Batman v Superman: Dawn of Justice: Spoiler Alert

Namatay si Superman.

Ang lungkot nung funeral scene, pero tumatawa kami ni Harvey.

Bata Batuta Isang Pera Muta (nakaupo sa likod namin): Daddddyyyyy huhuhuhu bakitttt namatay si Superman waaaahhhhh Daddyyyyyy ayawww huhuhuhu ko naaaaa

Don’t give up on life, kid. Simula pa lang yan ng maraming disappointments mo sa buhay.

————————

Habang nagro-roll na ang credits (patay pa din si Superman), may isa pang bata na sumigaw.

Bata Batuta Isang Pera Muta 2 (nakaupo sa harap namin): Daddy, nasaan si Spider-Man?!

Sorry, kid. Your father dragged you to the wrong movie. And yeah, simula pa lang yan ng mga disappointments mo sa buhay.

 

Blogging is Dead

Noong unang panahon, sa isang malayong lugar (Makati) ay may isang empleyado (entry level) na maraming panahon at oras para magbabad sa internet. At mula noon ay naimbento ang blogging. Or not.

Then, na-promote sya (obviously ako ito). Sinekreto ko dahil una, ayaw kong manlibre. Pangalawa, feeling ko nabigla ako noong na-promote ako. Hindi pa nagsi-sink in na tanginaaa ang dami kong gagawin kapag promoted ako. Hindi na ako makakapag-blog.

Yan ang unang dahilan.

Then, nag-asawa ako. Hindi naman sa naging seryoso na ako sa buhay, dahil lalong hindi seryoso ang asawa ko. Pero wala na akong kalokohan na iba-blog. Alangan naman ikwento ko ang kalokohan namin sa ka… ma.. stahp.. me.

Then, nasira ang salbehe.com. Like, HUHUHUHU! Ang hirap magsimula uli mga beh. Nakakawalang gana. #deeptruth

Then, nauso ang social media. Ang dami kong nauubos na oras para mag-check ng Facebook, mag-post sa Instagram at mag-rant sa Twitter. Saan ko pa isisingit ang pagba-blog?

Then, I’m sure marami pa akong maiisip na dahilan like nautangan ako ni Yanah (blogger), may nakaaway akong tanga (blogger), may napangakuan akong magdo-donate pero hindi ko natupad kaya nakakahiya magpakita (blogger), mahirap mag-post gamit ang WordPress pero medaling mag-stalk (blogger), naloko (blogger), nagsawa (blogger). Tinamad.

Sana sinapagin na ako ngayon na mag-blog uli. Or not.

 

Threesome (Or 3 Android Apps I’m Currently Obsessed – Not Facebook, Twitter and Instagram)

Hotspot Shield

May kaibigan ang kaibigan si Harvey na nag-install nito sa phone ko. Hindi ko alam actually kung ano mismo ang ginagawa nito pero mula nang i-install to ng kaibigan ng kaibigan ni Harvey ay hindi na ako naglo-load ng data plan. Free internet yeah. Mabilis pa.

Hotspot Shield

This is true since three months na akong hindi naglo-load. Minsan may pakinabang din si Harvey, bukod sa magpatawa.

Spotify

I super duper lurve Spotify. Dati na akong nag-install ng Spotify pero hindi ko madalas gamitin dahil kumakain ng data load. Dahil mabilis at libre na internet na ako (see above), sobrang na-enjoy ko na ngayon ang Spotify. And since hindi na nga ako nagloload para sa data plan, hindi masakit sa loob na nagbabayad ako monthly para sa Spotify Premium.

Bukod sa mga bagong kanta (mas updated na ako kesa kay Harvey kaya  nagii-spotify na din si Harvey), madami pang discovery sa Spotify. Kahit nga ang tatay ko naaliw sa Spotify kasi kahit yung mga kapanahunan nyang kanta ay nakita nya sa Spotify.

Ang fave ko ngayong pakinggan ay Indie. Indie Pop, Indie Rock, Feel Good Indie, basta something Indie.

Aldiko

Hindi halata pero mahilig ako magbasa. Nung nagtransfer ako sa Samsung Tab (from iPad mini), nalungkot ako kasi hindi ganun kaganda ang interface ng reader ng Android. Maganda pa din ang iBook – sleek and clean. Sa dami nang na-try ko na ebook reader app, Aldiko ang pinakamalapit sa iBook.

But wait, there’s more. Mas madali ang Aldiko kesa sa iBook. Pagkadownload ng ebook, import lang sa Aldiko then basa na agad ang ganap. Sa iBook, kailangan pang i-sync sa iTunes. So, hassle.

Yoga, Pampalaki ng Dyoga

Pagbukas ko ng WordPress, ohh-ehm-gee! Iba na ang interface. Ganun na ako katagal hindi nagbablog!

Anyway.

Hindi ko na natagalan makipagsiksikan at gumugol ng 3 hours (one way) sa MRT. Kaya nag-decide akong maghanap ng room sa Makati na walking distance lang sa office. For two months now, nakatira na ako sa Makati kapag weekdays, weekend ako umuuwi sa QC. Ang saya saya ni Harvey, feeling nya binata uli sya (kapag weekdays). Medyo nakompromiso ang sexlife namin pero tiba tiba naman kami kapag weekend.

Anyway.

Dahil hindi na ako nag-m-MRT, biglang ang dami ng oras ko! 15 minutes na lang nasa bahay na ako hindi katulad dati na inaabot ako  3-4 hours sa byahe. Hindi ko alam kung anong gagawin sa extra hours kaya naisipan ko i-try mag yoga.

Bakit yoga? Kasi ayaw ko mag-gym na karamihang ginagawa ng mga kaopisina ko. Ayaw ko din mag-jogging, ayaw ko mag-zumba, ayaw ko ng nakakapagod na exercise – kaya yoga. Burgis na burgis din ang feel ng yoga.

Bago ang aking first ever yoga class, nagbasa ako ng tips para sa mga beginner. Pinili ko din ang pinakamadaling yoga class – ang Hatha. Basically, Hatha is some breathing exercises with basic yoga postures. Easy breezy.

Ang hindi ko kinakaya ay ang sinasabi ng instructor ko. English and some alien dialect.

Come to sukhasana. Close your eyes and bring your hands together in front of your heart in anjali mudra. Leave a small space open at the center of your palms, allowing the space to signify the openness of your heart.

Take a deep breath for the OM.

<chant>Ohmmmmm.

Whut?! Tingin ako sa katabi ko.

anjali-mudra

So I make copy and paste, parang trabaho lang.