religio ligare

wala akong relihiyon (surprise!), agnostic ako. sabi nila mas mabuti pa daw ang mga satanista may pinaninindigan silang panig, pero ang mga agnostic, wala. para kang tumutulay sa pader na sa isang panig mga maka-Diyos, sa isa namang panig maka-Satanas… kapag nagkamali ka at nahulog, walang sasalo sa iyo. pero bago nyo ako husgahan, hayaan nyo munang makapagkwento ako..
lumaki akong dalawa ang ang sinisimbahan ko. tuwing Linggo ng umaga kasama ko ang tatay ko sa simbahan ng Roman Catholic, sa hapon naman bitbit ako ng nanay ko sa Kingdom Hall ng Jehovah’s Witness. masunurin at mabait na bata ako (ehem..) kaya walang reklamong sumasama sa kanila. magkaibang magkaiba ang practice at paniniwala ng dalawang relihiyong ito kaya habang lumalaki ako.. ewan ko, parang naguluhan (o nasobrahan?)… hanggang sa hindi na ako sumisimba. hindi naman pinagpilitan ng mga magulang ko na sundin ko ang relihiyon nila (pero minsan nagpaparinig, lalo na nanay ko) hindi naman naging isyu sa kanilang mag-asawa, bakit dapat maging isyu sa mga anak.. di ba?
sumubok na din ako ng iba pang relihiyon… iglesia ni kristo, born again, methodist, aglipayan pero nawalan na din ako ng gana. ewan ko parang napa-plastikan ako. kapag nasa loob ng simbahan puro paruri sa Diyos, pero sa labas puro chismis na ang lumalabas sa bibig. ayaw ko din sa mga taong lahat na lang nakadepende kay God, na ultimo saan kakain ay itatanung pa kay God.
hanga ako sa turo at pilosopiya ni Buddha, may libro ako ng Buddism na talaga namang kinagiliwan kong basahin. pero hindi ko yata kayang ipagpalit ang
pagkain ko chicharon, letson at sinigang sa Buddism kaya sawi din sa akin si Buddha. :(
naging mabait naman po akong tao (wups!buhatan na ng bangko!). dahil rehilyoso ang mga magulang ko, madami silang naituro sa aking magagandang asal. naniniwala ako na may isang naglalang sa ating lahat at malaki ang takot ko sa kanya. aba, dalawa yata ang Diyos namin sa bahay kaya doble ang takot ko! nag-aral naman akong mabuti, hindi lasenggera, hindi nagsisigarilyo, hindi nagda-drugs, hindi nabuntis ng maaga (pinakatatakutan ng nanay ko), madaming kaibigan, sumusunod sa magulang, may respeto sa ibang tao, nagbabayad ng tamang buwis at higit sa lahat bolera! hehe. yun nga lang, wala akong relihiyon at hindi ako relihiyosa.
ang punto ko, pwede kang magpakabait, pwede kang magpakatao ng walang pinapanigang relihiyon. wala akong inaasam na langit, at wala din akong kinatatakutang impyerno. ang pananaw ko kasi, wala ng kabilang buhay. wala ka ng pupuntahan pagkatapos mong mamatay. wala ng kasunod na kabanata, walang paraiso, walang heaven, walang impyerno, walang purgatoryo, wala, zero, nada, zilch! mas magandang isiping ganun ang buhay kasi eto na ang pagkakataon mong mabuhay, kaya gamitim mo ang buhay sa magandang paraan, na walang iniintay na kapalit o gantimpala.
tumigil na akong maghanap ng relihiyon. kuntento na ako.

wala akong relihiyon (surprise!), agnostic ako. sabi nila mas mabuti pa daw ang mga satanista may pinaninindigan silang panig, pero ang mga agnostic, wala. para kang tumutulay sa pader na sa isang panig mga maka-Diyos, sa isa namang panig maka-Satanas… kapag nagkamali ka at nahulog, walang sasalo sa iyo. pero bago nyo ako husgahan, hayaan nyo munang makapagkwento ako..

lumaki akong dalawa ang ang sinisimbahan ko. tuwing Linggo ng umaga kasama ko ang tatay ko sa simbahan ng Roman Catholic, sa hapon naman bitbit ako ng nanay ko sa Kingdom Hall ng Jehovah’s Witness. masunurin at mabait na bata ako (ehem..) kaya walang reklamong sumasama sa kanila. magkaibang magkaiba ang practice at paniniwala ng dalawang relihiyong ito kaya habang lumalaki ako.. ewan ko, parang naguluhan (o nasobrahan?)… hanggang sa hindi na ako sumisimba. hindi naman pinagpilitan ng mga magulang ko na sundin ko ang relihiyon nila (pero minsan nagpaparinig, lalo na nanay ko) hindi naman naging isyu sa kanilang mag-asawa, bakit dapat maging isyu sa mga anak.. di ba?

sumubok na din ako ng iba pang relihiyon… iglesia ni kristo, born again, methodist, aglipayan pero nawalan na din ako ng gana. ewan ko parang napa-plastikan ako. kapag nasa loob ng simbahan puro paruri sa Diyos, pero sa labas puro chismis na ang lumalabas sa bibig. ayaw ko din sa mga taong lahat na lang nakadepende kay God, na ultimo saan kakain ay itatanung pa kay God.

hanga ako sa turo at pilosopiya ni Buddha, may libro ako ng Buddism na talaga namang kinagiliwan kong basahin. pero hindi ko yata kayang ipagpalit ang pagkain ko chicharon, letson at sinigang sa Buddism kaya sawi din sa akin si Buddha. :(

naging mabait naman po akong tao (wups!buhatan na ng bangko!). dahil rehilyoso ang mga magulang ko, madami silang naituro sa aking magagandang asal. naniniwala ako na may isang naglalang sa ating lahat at malaki ang takot ko sa kanya. aba, dalawa yata ang Diyos namin sa bahay kaya doble ang takot ko! nag-aral naman akong mabuti, hindi lasenggera, hindi nagsisigarilyo, hindi nagda-drugs, hindi nabuntis ng maaga (pinakatatakutan ng nanay ko), madaming kaibigan, sumusunod sa magulang, may respeto sa ibang tao, nagbabayad ng tamang buwis at higit sa lahat bolera! hehe. yun nga lang, wala akong relihiyon at hindi ako relihiyosa.

ang punto ko, pwede kang magpakabait, pwede kang magpakatao ng walang pinapanigang relihiyon. wala akong inaasam na langit, at wala din akong kinatatakutang impyerno. ang pananaw ko kasi, wala ng kabilang buhay. wala ka ng pupuntahan pagkatapos mong mamatay. wala ng kasunod na kabanata, walang paraiso, walang heaven, walang impyerno, walang purgatoryo, wala, zero, nada, zilch! mas magandang isiping ganun ang buhay kasi eto na ang pagkakataon mong mabuhay, kaya gamitim mo ang buhay sa magandang paraan, na walang iniintay na kapalit o gantimpala.

tumigil na akong maghanap ng relihiyon. kuntento na ako.

Dating lungga: http://salbehe.multiply.com/journal/item/10/religio_ligare

Advertisements

One thought on “religio ligare

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s