emo na kung emo, Part 2

imagesLinggo, Sept. 14. naglipat ako ng bahay. tinulungan ako ng kapatid ko, ah teka more like sinamahan ako ni Essy. Binalak kong mag-celebrate at uminom, bumili na ako ng Cruizer, chips and water. pagdating sa bahay, ang malas! wala akong abre lata! kaya wala akong nagawa. kapag wala akong ginagawa, doon ako mas nakakapag-isip. dami ko tuloy naisip.

na-mi-miss ko na pala ang feeling ng may bf.

for 6 years, hindi ako nag-aalala kung lilipat ako ng bahay, kasi alam ko kahit saang lupalop ng mundo ko naisin tumira, may maghahakot para sa akin.

wala ng nangangamusta sa akin 24/7.

wala ng “i miss you” and “i love you” and “mwah mwah tsup tsup”.

wala na akong mapapag-share-an ng mga kwento, achievements, hinagpis.

wala na akong tinatawagan para ibigay ang plate number ng taxi sasakyan ko.

wala na.

Lunes, Sept. 15. Bumili na ako ng abre lata. Bumili din ako chicharon, naubos na kasi yung chips na binili ko. Eto na, inuman na! may malamig na Vodkang naghihintay sa bahay.

Amp! hindi nakabitan ng grills ang bintana ko! wala daw kasing tao, kaya hindi nakapagkabit. paano ako magpapakalango kung feeling ko hindi ako safe sa place. Sige na nga ipagpabukas na uli. kaya wala akong nagawa, kapag wala akong ginagawa, doon ako mas nakakapag-isip. dami ko tuloy naisip.

Naisip ko lang na na-mi-miss ko ang feeling ng may bf, pero hindi na yung tao. oo, hindi madaling kalimutan ang mga pinagdaanan at pinagsamahan namin. pero hindi din naging madali ang katapusan. maraming mga tanong na hindi nasagot.

“When break up comes and it’s time to say goodbye, don’t doubt the love just because it didn’t last. May mga bagay sa buhay na di man nagtatagal, it doesn’t mean di na ito totoo. Some good things are just never meant to last forever. Okay lang yon. Bless the parting and move on.”

Naisip ko din, mas masaya ako ngayon (i’m sorry, sana maintindihan mo). mas nagagawa ko ang gusto ko ng walang iniintinding feeling ng iba. i feel free.

Martes, Sept. 16. Eto na, nag-leave na ako para malagyan lang ng grills ang bintana. wala ng makakapigil pa, titirahin ko na yung inuming nung Linggo pa naghihintay. Bumili din uli ako chips, naubos na kasi yung chicharong binili ko.

kagabi, in my new home, i let myself cry, a lot.

Dating Lungga: http://salbehe.multiply.com/journal/item/32/emo_na_kung_emo_Part_2

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s