emo na kung emo, huling hirit

emo 3dahil may The Return of the King ang The Lord of the Ring, at may The Matrix Revolution ang The Matrix, eto ang huling bahagi ng aking emo-drama trilogy. ngayong alam mo na, siguro naman dapat lang tapusin ko na ang kalokohan ko.

paano ba tatapusin ang sinimulan kong kadramahan? hindi ko nga alam kung paano nagsimula.

ako ang nakipagbreak, ang nagtapos. akala ko nasaktan ko sya, nagkamali ako, nasaktan ko kaming dalawa. for the record, hindi ko sya iniintay. wag din nya akong intayin, dahil ayokong pumasok sa sitwasyong sa huli’y ako uli ang magtatapos. hindi ako umaasang magkakabalikan pa kami, sana irespeto ito.

bakit ako umiyak? dahil minsan sa buhay mo, pinakamasarap gawin ang umiyak. ang pinakamasakit na katotohanan, kinakain na ako ng aking konsensya. nagkapatong patong na ang mga emosyon kong tinago. inilabas ko lang ang sama ng loob.

ang totoo, takot ako. takot ako sa maraming bagay.

takot ako sa multo.

takot akong malaman ng mga kaibigan na break na kami. tingin kasi ng karamihan, we were perfect. siguro kaya ko din naisulat ito, dahil pagod na akong maging takot.

takot akong mahusgahan ng ibang tao ng walang kalaban laban.

takot akong pumasok sa relasyon. parang nakalimutan ko na ngang magka-crush.

takot ako sa emotional investment.

takot akong bumuo, at ako din ang bubuwag.

takot akong makasakit at masaktan.

life may be scary, but it is only temporary. yeah, this too shall pass.

sa mga sumubaybay sa aking emo moment, thanks so much! hindi na ito mauulit.

Dating Lungga: http://salbehe.multiply.com/journal/item/35/emo_na_kung_emo_huling_hirit

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s