Big Dream #3: Next Bob Ong

writer

siguro marami sa mga kakilala ko ang hindi nakakaalam na bukod sa pagkanta at pagsayaw, isa sa mga frustration ko ang pagsusulat. ewan ko ba, walang nadevelop na talent sa akin, kung may talent nga ako.

bukod sa mga requirements sa Komunikasyon I at II (nung panahon ko may tagalog version pa ng Communication I at II, ilang subjects na pampadali ng buhay estudyante), ilang article na napublish sa school organ, isang love letter, at isang diary na hindi ko pa natapos ang isang buwan, wala na akong masasabing achievements o accomplishments sa larangan ng pagsulat.

na-iinspire naman ako kapag nakakabasa ako ng mga book, article, komentaryo o play. naiisip ko, teka, madali lang ito ah, kaya ko kaya ito? kaya lang, wala akong lakas ng loob na ipabasa sa iba ang ginawa ko. natatakot akong ilantad na wala naman talaga akong talent, feelingera lang ako na mayrun. wala naman akong pormal na education at training sa writing. naisusulat ko lang kung anung pumasok sa kokote ko.

ilan lang ang nakapagsabi sa akin na magaling akong magsulat. as in, ilan lang! (siguro mga dalawa??) hindi ko kailangan ang komplikadong computation para ipamuka na wala talaga akong ibubuga.

pero eto nagsimula na naman ako, kinakapalan ang mukha, sinusubukang magsulat.

Trivia: Nung high school, feature writer ako sa school organ namin. Nawala ako sa listahan nung 4th year kasi tamad akong magpunta sa mga meetings, umatend ng seminar at magpass ng article. yap, hanggang high school lang ang career ko sa writing. at least umabot ng hight school. hehe.

kapag nasisinggahan ng sipag bumabalik ang career ko sa writing. sa tulong ng blog sana ma-revive ang na-comatose ko na talent. kung meron man.

Dating Lungga: http://salbehe.multiply.com/journal/item/41/Big_Dream_3_Next_Bob_Ong

Advertisements

One Reply to “Big Dream #3: Next Bob Ong”

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s