kapamilya, naging kapuso

one month ago, kung tatanungin mo ako ng mga artista sa GMA Channel 7 ang masasabi ko lang ay ang mga nanggaling lang din sa ABS-CBN Channel 2. oo, true blood kapamilya kami. umaga, tanghali, gabi, nakatutok kami sa dos.
noong lumipat ako sa QC, syempre, una kong chineck ang Channel 2 sa TV. at aaminin kong naging masaya ako dahil malinaw ang dos! yes, masusubaybayan ko pa din si Isadora (Iisa pa lamang)!
pero nung unang araw lang yon, pinaasa lang nila ako at parang pinaglaruan lang ang aking damdamin. naging malabo na ang reception ng dos sa mga sumunod na araw. ang hirap tumawa kapag black and white at malabo ang nakikita mong mukha ni Nicole (Three Dads and One Mom). at mahirap talagang manood ng parang binabagyo lagi ang palabas. malabo. mahirap. masalimuot. madrama. na. naman. ako.
kaya ayaw ko man gawin, sinubukan ko manood sa #7. Noong una, hindi pa akong kumportable sa format. binabalik balikan ko pa rin ang dating nakagawian, inaayos ang antena, baka may pag-asa pa.
habang tumatagal, nakasanayan ko na din ang siete. ok din naman ang mga palabas, magagaling din ang mga artista. napanood ko ang pilot episode ng LaLoLa kaya hanggang ngayon subaybay ko. Astig din ang Survivor! magaling na host si paolo bediones, astig ang mga contestant. Paborito kong tribe ang Naak, bet ko si Kiko (may spill na kung sinong nanalo at hindi yun si Kiko). ewan lang, baka sucker din lang talaga ako sa reality shows, wala kasing reality show ngayon sa dos.
pero ang nakapagbago talaga ng isip ko sa siete ay ang My Husband’s Woman. kinabog ang drama ni Scarlet at Katherine! kakaibang drama ang masusubaybayan. ang bigat sa dibdib ng mga binibitawang salita at hindi nakakatawa. basta na-astigan din lang ako.
naisip ko, parang buhay lang ang paglilipat ng channel. minsan natatakot tayong sumuong sa mga hindi pa natin nalalaman. pero ang hindi natin alam mas makakakuha pala tayo ng kaligayahan sa mga hindi natin alam. naks!
Advertisements