doble kara

nosebleed ba? sa simula lang yan. kunwari kasi intelektual ang blog kong ito.
nagsimula ang interes ko sa “double standard” ng mapakinggan ang koments ni Luis sa song ni Katy Perry na I Kissed a Girl. wala naman kasi akong background sa psychology, natural na psychotic lang. anyway, sabi ni Luis, napaka hypocrite daw ng society natin dahil ok lang sa atin ang “kissing girls scenario”, pero nandidiri tayo kapag parehong lalake ang naghahalikan. kissing girls are hot, while kissing guys are yuck! tama, napakagandang punto.
kung iisipin, mas impokrito ang society natin towards girls. dahil ang mga babae, sa tradisyunal na pananaw nating mga Pilipino ay kailangang mahinhin, mabait at pinapahalagahan ang kanilang pagkababae. at ito ang dahilan kung bakit karamihan sa kakilala ko ay single.
mahirap gumawa ng first move. kapag nagkamali ka, masasabihan kang malandi, pariwara, slut, bitch, whore. grabe, kukunin lang ang number slut na. natatakot kaming gumawa ng unang hakbang dahil natatakot kaming tawaging slut. guilty?
kung maghihintay ka naman na may lumandi sa iyo.. wala maghihintay ka na lang talaga. badtrip.
biktima din ng double standard ang lalaki. halimbawa, ang malimit nating persepsyon sa mga lalake ay manloloko, babaero at bolero. unfair din di ba? samantala, wala sa bokabularyo ng mga baabe ang manloko at hinding hindi gagawa ng kalokohan ang babae. bullsh*t.
are we living in hypocrite society?
YES!
are we living in double standard society?
YES!
is the world fair?
hell NO!
we just have to live with it.
Advertisements