Dear Weekend

Dear Weekend,
I miss you.
Akala ko bibiguin mo na naman ako. Akala ko, hindi na naman kita makakapiling, kasi naman naka-mind set na ako na papasok sa office ng Sabado, magtatrabaho, uuwi, maglilinis ng bahay, magbabasa at manonood ng vcd. Di bat pinaghandaan ko na nga ito? Bumili na ako ng dalawang vcd, oo! dalawa, dahil inakala kong madami akong oras na papatayin.
Buti na lang binago mo ang lahat. Friday pa lang may nag-aya na sa aking house party. birthday party. Natuwa naman ako dahil minsan ko lang makasama ang may birthday, pero ilang beses syang nag-imbita. Inaalala pa nya kung papaano ako makakapunta sa bahay nila. Buti na lang madami akong kakilalang pupunta din. Inakala kong half day affair lang ito, mga alas sais uuwi na. Pero mali na naman ako. Si Jape at Maan na dapat kasama ko ng 2pm, hindi na pwede ng 2pm. Dahil nasa bahay na nila ako ng 2pm, hanggang 7pm nanood kami ni Hya ng House series, Season 1. 8pm na kami nakaalis ng bahay papuntang Bulacan. Bulacan! Akala ko sa QC lang at akala ni Jape sa Makati lang, pero go pa din kami, Bulacan it is!  
Hindi naman kami binigo ng mahabang byahe, ang sarap ng food, saya ng kwentuhan, sarap ng inuman. Ang dami na namang nakaraang binalikan. 
Si roi pala ang paboritong topic ng guys, bukod sa sky high na sweldo, matinik pala talaga sa babae. Correction, batang babae. 
Si King mahilig sa phrase na “tanda nyo nung…?”, pero hindi namin tanda, kaya sya na lang ang magkukwento. 
Si ayen, walang bastos na nasabi kay maan.
Si maan, puro kabastusan ang nasabi kay ayen.
Si herza at ako, karirista na.
Si luie, numero uno intrigero. 
Si majah, ang paboritong intrigahin.
Si arcie, arcie pa din. 
Si rodel, magnanakaw ng tulog.
Si hya, kahit antok na antok na.. gow pa din!
Sina jape at rae-an, mukhang nabigla sa aming salita, kilos at gawa.
Si enan, ang surprise special guest. Na-miss talaga namin sya at ang kanyang “hi girls!”.
Congratulation carl sa isang napakasayang birthday party! 
Akala ko dyan na lang natapos ang ating pagsasama, Weekend. Hindi pa pala tapos. Pagkatapos pumunta sa Bulacan, kinaladkad mo pa ako sa Nueva Ecija. 
Alas singko ng umaga, walang tulog, puyat, pagod, ngunit busog sa mga alala, nilisan ang Bulacan, bumalik sa QC para maligo at go na uli papuntang Nueva Ecija. Namatay kasi ang tatay ni Jowah, Joan pala, dahil sa away pulitika. [story link]
Sa byahe, natulog lang ako. Nagising ako ng nag-uusap sila dahil mukha na kaming naliligaw. Yung highway kasi na dinaanan namin Conception, Luisita na ang sign, pero short cut pala yun. Labas talaga namin ay Tarlac City. Dahil si king ang nasa harap, nagdududa pa din kami, nakahinga lang kami ng maluwag ng makita ang Zaragoza, Nueva Ecija, yes! Nueva Ecija na!
Magandang experience din ang paghahanap sa bahay nila Jowah, Joan pala, lalo na kung si King ang nagtatanong ng direksyon. Buti na lang at nakarating din kami ng maayos, walang galos at walang kaaway.
2.30 kailangan nang muling bumiyahe pauwi dahil karamihan sa amin ay papunta pang Los Banos. Ibinaba ako sa North Ave MRT station, nag-grocery, umuwi, kumain, naglinis pa ng bahay. Kailangang maglinis ng bahay kung gusto kong matulog ng maayos.
Weekend, ang daming nangyari di ba? Ang inakala kong isang ordinaryong Sabado at Linggo lang ay naging gala marathon. Hindi talaga kita makakalimutan. 
Na-miss talaga kita Weekend. And I will miss you so much! See you next weekend, Weekend! 
Love Lots,
Salbehe
Advertisements