tulong alalay sa salbeheng nangangailangan

una, sinong may mp3 ng Spend My Life with You by Eric Benet & Tamia. ito ang request ng pinsan ko para sa kanilang wedding song. pakisend lang po sa email ko: salbehe@yahoo.com. eto ang kanta:

sumunod, sino ang may alam na palabahan malapit sa Quirino Ave, Quezon City? yung mura, malinis, mabango, marunong magtiklop, at higit sa lahat maayos kausap. yung tipong pag sinabing “Monday next week” ibabalik ang damit mo, hindi ibig sabihin nun ay “Wednesday next next week”. hassle kasing maghanap ng isusuot sa loob ng isang linggo. hassle talaga. pati ako nahihiya na sa sinusuot ko sa opis.
pano ba pagalingin ang stiff neck? pagkagising ko nung Monday masakit na leeg ko. hanggang nagyon, masakit pa din 
isa pa, pahingi naman ng maayos na tip paano maglinis ng banyo. hindi kasi epektib ang sabi ni Jeni, ang kanyang Axion at Domex combo. ewan ba, dishwashing aid naman ang Axion bakit naging panglinis ng banyo. at ewan din bakit ako naniwala.
next, paano ba gumising ng maaga? matagal ko ng problema ito. hindi na ako natutuwa sa habitual tardiness ko. gumigising ako ng 6.30AM, pero inaalarm ko uli ng 6.45AM, pagkasing i-aalarm ko uli ng 7.00AM, paulit ulit hanggang sa 7.30 na. ayun tsaka lang ako tatayo. late na naman.
last, paano pagkakasyahin ang mga sumusunod sa November?
– Scan QC na super deadline na this week. urgh!
– Panel Design
– Scan QC pa uli.
– SE requests.
– Wedding preparation para sa pinsan ko.
– Cebu Trip Preparation
– Pinatubo Climb, Nov. 15-16
– Despedida de soltera, to be arranged
– Cebu Trip, Nov. 20-23
– Wedding ng pinsan ko, Nov. 29.
totoo bang 4 weeks lang ang November?
talaga?
hindi ba pwedeng gawing 6 weeks at least?
promise?
no joke?
err…
Advertisements