Christmas Wish List

Weekend Marathon sa Office. urgh!
Habang nag-iintay ng data, naisip kong gumawa na ng Christmas Wishlist para mapaghandaan ng mga magbibigay sa akin. yebah!
1. Twilight by Stephenie Meyer
Ang kinababaliwan ng lahat, nakikiuso naman ako. Mayroong paperback edition sa National Bookstore (PhP275), lahat ng NBS along EDSA napasyalan ko na, out of stock. Nakapunta na din ako sa PowerBooks, out of stock din. Meron akong pdf copy ng buong series pero masakit sa mata magbasa :(
Kung galante ang magbibigay, pwede yung complete series na? Hard bound, PhP29++.
2. Coin Purse
Hindi kasi ako bumibili ng coin purse. May nakapagsabi kasi sa akin na kung gusto kong hindi nawawalan ng laman ang wallet dapat HUWAG mo itong bibilhin, DAPAT ibibigay sa iyo. At dapat din daw may laman ang ibibigay, kahit PhP10 pwede na.
Yung coin purse ko ngayon sa pagkakatanda ko ay dating color pink. Ngayon, parang brown na, malagkitlagkit pa yung isang side. beat that! hahah
3. Pillow Picture Frame
Eto ang pinakausong ibigay pag may birthday, exchange gift, anniversary, graduation, etc. pero kahit kailan hindi ako nakatanggap. naiingit din ako sa picture frame collection ni jhet. Pero dapat pillow picture frame.
4. ASUS Eee PC 901 XP
pangarap ka na lang ba, o magiging katotohanan pa, bakit may mahal ka ng iba? este, bakit ang mahal mo na?
5. Vacation Package sa Coron, Palawan
Ang target kong puntahan next year, sana may manlibre.
6. Chinese Cinderella by Adeline Yen Mah
7. Backpack
Advertisements