landian

sa 7-11
guy: miss, isang pack ng marlboro lights…
miss: sir, 35 po.
guy: (nag-abot ng 100php)
miss: sir, may 5php po ba kayo?
guy: miss alam mo, para kang ex-gf ko. binigay ko nga lahat ng meron ako, kulang pa din. miss, ganun ka din ba?
miss: sir, kaya lang naman po ako humingi ng konti pang dagdag, para masuklian ko ng BUONG-BUO ung BINIGAY nyo. (sabay pasweet smile) wag po kayo mag-alala sir, hindi ako kagaya ng ex-gf nyo.

landian! :-)
mga natutunan ko sa forwarded message na nasa itaas.
1. you can find love at the most unexpected time and place, even at 7-Eleven counter. translation: pwede kang lumandi kahit saan, kahit kailan, lalo na kung desperado ka na.
2. in love, don’t expect anything in return. kung baga, no return, no exchange. kung nagbigay ka ng buong-buo, wag kang mag-expect na gagawin din yun sa iyo. kasi magiging unfair ka. ang pagmamahal dapat walang hinihintay na kapalit.
3. sabi nga, huwag mong ibigay ang buong buo mo sa isang tao, magtira para sa sarili. dahil kung sakaling magkahiwalay kayo, at least may natira sa iyo.  but you know what? katulad ako ng guy sa 7-Eleven, I rather left with nothing. mas gugustuhin kong maranasan ang pag-iyak, pagluha, lungkot, sleepless nights at sakit. Ika nga “it’s when you hurt the worse that you love the MOST.” Kung di ka willing masaktan, wag ka na lang magmahal.
4. hindi lahat ng tao ay parepareho. we have our own unique qualities. kung palpak ang ex-gf mo, hindi ibig sabihin palpak din ang lahat ng babae. pero ang mga lalake parepareho lang, lahat manloloko, no exception. love you guys! 
5. “miss: sir, kaya lang naman po ako humingi ng konti pang dagdag, para masuklian ko ng BUONG-BUO ung BINIGAY nyo.
nakakalito. alam ko may sense, pero hindi ko maisip kung ano. oh hindi.. tulong!
6. pasintabi sa mga empleyado, customer at nagmamahal sa 7-Eleven. ang aarte talaga ng empleyado ng 7-Eleven! laging ganyan ang asta nila, humihingi ng barya para masuklian ka ng buo. lagi. hindi pa yata ako nakakapunta ng 7-Eleven na hindi ganito ang modus operandi. bakit pa? may barya din naman sila. hassle tuloy sa mamimili at sa mga nakapila.
7. malalandi ang mga taga 7-Eleven. yun lang. 
Advertisements