Dear Pinatubo

Dear Pinatubo,
Da-dramahan kita.
Alam mo Pinatubo, hindi naman talaga ako mahilig umakyat ng bundok. Ang pinakaunang akyat ko ay nasa college pa ako. Peak 2 dapat ang target namin, pero hanggang Mud Spring na lang ang inabot. Sa tuwing may magtatanong, lagi kong sinasabing naka-akyat na ako ng Peak 2. Loser.
Hindi ko nga alam kung bakit excited akong akyatin ka, Pinatubo. Marami kasing nakapagsabing napakaganda mo daw, para kang isang paraiso. Na-intriga din ako kung anong itinatago moo, samantalang nakaperwisyo ka ng naparaming tao noong ikaw ay nag-alboroto.
Buti na lang maganda ang panahon nung aming ikaw ay akyatin. hindi mainit, hindi maulan (kahit may konting ambon sa simula), malamig, maayos, perfect sa climbing. Ang teorya na dalawang oras na paglalakad ay totoong tatlong oras. Aaminin ko, hindi naging madali ang mga pagsubok para ikaw ay aming marating. Maraming sapa/ilog na tatawirin; mga batong sasampahan, aapakan, lulusutan; lupang mabuhangin at mabato; daanang makitid at masukal; hagdan na may malalaking baytang.
Pero hindi mo kami binigo. hinding hindi. tunay na napakaganda mo. sinong mag-aakala na ang dating nakapinsala ng maraming tao ay nagtataglay ng ganyang kagandahan. sabi na, walang nilalang na hindi mabuti. kahit ikaw na nang-abala noon, nakakabibigay naman ng kaligayan sa ngayon. Winner.
Nakita mo ba ang ating mga litrato? andito ang link:
Alam mo ba kung bakit ako nagda-drama ngayon? kasi sinaktan mo ako.hanggang ngayon masakit ang binti, braso, paa at kalamnan ko sa tyan. Wala namang hindi nasasaktan kapag nagmamahal, siguro nga’y mahal na kita.
Pinatubo, kahit minsan lang kitang nakapiling, hinding hindi kita makakalimutan. Sanay iyong tandaan ang ating binuong mga pangarap. 
Lubos na nagmamahal,
salbehe
Advertisements