C as in Cebu, Part 1

>>> Babala: pinakamahaba kong blog. wag mo ng basahin. <<<
Day 1 – Nov 20, Thursday
Itinerary:
06:00 AM: Assembly at Magallanes MRT Station
06:45 AM: ETA at Terminal 3, NAIA
08:45 AM: Departure
09:50 AM: ETA at Mactan International Airport
10:00 AM: ETA at Northern Bus Terminal
10:30 AM: Pack Lunch, board to Maya Bagay (the jump-off point to Malapascua Island)
03:00 PM: ETA at Maya
04:00 PM: ETA at Malapascua
04:30 PM: Lentek swimming na agad!
Ang totoong nangyari:
6am: paalis pa lang ako ng bahay. sabi na nga ma-la-late ako sa call time namin. kasi naman alas dose na ng gabi namamalantsa pa din ako. nagtext na ako kay deo na malalate ako. lastek ang reply ni deo magkita na lng sa airport, late din sya. ayos! hindi lang ako ang late. si karl lang tama sa oras, excited? hehe
9am: ayos ang byahe. hindi kami na-late sa check-in. buti na lang, kasi handa na akong makipag-away kung sakaling hingan kami ng extra payment dahil late kami.
Singit: si kuya kaloy ang taxi driver na nasakyan namin from mactan airport to north terminal. status: married. nagtrabaho dati sa isang chemical company sa pasig, maginoo pero medyo bastos, my kind of guy hehe. sa una pa lang palagay na ang loob namin, nakakabiruan na agad.

salbehe: nag-a-arange po kayo ng city tour sa cebu?
kuya kaloy: pwede po, P250 per hour
salbehe: ang mahal naman, wala pong tawad?
kuya kaloy: sige P500 na lang two hours.
salbehe: baka pwedeng P750 ang three hours.
(tawanan)
salbehe: pano po pag whole day ang bayad? mga 8AM to 5PM.
kuya kaloy: sige pwede na ang P1500
(napaisip)
salbehe: ano pong number nyo? text ko kayo pag nakabalik na kami sa Cebu City.

madami syang advice. wag daw kaming mag-stay sa palaez st., dahil yun ang tinatawag nilang red light district, tirahan ng mga foreigner na pensionado (above 40 years old) at tambayan ng mga babaeng trip makipaglaro, unless gusto din nmin makipaglaro. kaya inadvisan nya din kami na sa Executive Royal Inn na lang kami magstay pagbalik namin galing sa malapascua. si kuya ruel ang nag-city tour sa amin kasi inidyan kami ni Kuya Kaloy. bakit? sa Day 4 pa ang kwento. :D
11am: cebu north terminal. ayos, on time. tanong tanong na ng aircon bus papuntang Maya. wala. wala na daw aircon bus. syempre hindi ako naniwala. halos lahat ng travel guide na nabasa ko sa internet may sinasabing aircon bus, either autobus or ceres. pero naikot na nmin an buong terminal, kahit saang destinasyon walang aircon bus. pinagkatuwaan ba kami at tinago ang lahat ng aircon bus dahil hindi kami marunong mag-bisaya?
no choice. ordinary bus it is! 3 hours. kaya yun. akala ko makakatulog ako, mahabang byahe din kasi. pero hindi, this time mukhang sinuwerte ako. ang ganda kasi ng daan papuntang maya. nawala ang antok ko. kakaiba. bawat oras iba ang makikita mo.  una, ang beach sa danao. tapos kabundukan. tapos tubuhan, palayan.
nung tumagal na, nainip na ako. nakalipas na ang 3 oras, nakaupo pa din ako ng bus, kailan ba kami makkaraing sa maya? kaya nagsimula na akong mangulit kay koyang kondoktor.
salbehe: kuya malayo pa?
kundoktor: malayo pa po.
(at least hindi ako pinaasang malapit na)
(after 1 hour)
salbehe: kuya malayo pa?
kundoktor: medyo malayo pa.
(after 30 mins.)
salbehe: kuya malapit na?
kundoktor: (asar na) malapit na, diretso na lang.
3pm: sa wakas! maya. ang sabing tatlong oras, apat na oras talaga. sakay na ng bangka. first time ko sumakay ng bangkang walang umaakay, tumawid ng makitid na tabla papunta sa bangka, dala ang backpack at duffel bag. kaya ko pala.
3.30pm: wooohooo! malapascua na! hindi naman kami nabigo sa aming mahabang byahe. sa malayo pa lang, makita ko ang shoreline. gusto ko ng tumalon at magswim! another white beach to explore.
binati kami ni kuya arca. ihahatid daw nya kami sa hotel namin, walang bayad. binggo! the magic word, LIBRE. kwento-kwento, nabuko kaming wala pa kaming reservation. nakita ko naman ang ningning sa mata ni kuya arca. binggo! pagkakataon nyang magsaletalk. nakumbinsi nyang tumuloy na lang kami sa Borgreen. malapit sa beach front,  may sariling cr, malapit sa murang kainan (ging-ging), sa halagang P500. pero dahil 3 kami, may extra bed na P100, bale P600. pwede! nahikayat din nya kaming mag-snorkel kinabukasan, P700 lang plus P150 na gagols (goggles). gagols talaga, nagpauto pa din kami kay kuya arca.
Singit: Ging Ging Flower Garden Restaurant. a.k.a. ging-ging. pinakmurang resto sa buong malapascua sabi ni kuya arca. may tama sya. tatlong beses kaming kumain dito. suki? hehe
5pm: pagkatapos kumain sa ging-ging, wala ng nakapagpigil pa sa akin, swim na! swim, picture, swim uli, emo moment, swim pa. nasa dagat kami hanggang nagutom.
8pm: binaybay namin ang buong Bounty Beach para maghanap ng murang kainan at moni. ang aming nadiscover? mabuhay restobar. si kuya ramon ang may ari. buy one take one ang cocktails, happy hours from 4PM to 9PM. ayos! dahil di sanay, coke rum lang tinira ko. si karl ang bangenge ng gabing to. noong mejo matagal na, ang dami nyang kwento.
Singit: i know karl, what happens in malapascua stays in malapascua. har!
mukhang bangenge din si kuya ramon, dami din kasing kwento. saan sya nagsmula, dating trabaho, buhay sa malapascua, lagay ng ekonomiya, customer, drinks, paano sya natutong magtimpla ng cocktails drinks, saan galing ang pangalan ng kanyang cocktail drinks. bida boy!
more pictures on day 1 [here]
expense for the day 1:
terminal fee – 200
taxi (mactan airport to north terminal) – 120 div. 3 = 40
bus (cebu city to maya) – 135
boat (maya to malapascua) – 50
small boat – 10
accomodation at Borgreen – 200
meryenda, ging-ging – 60
dinner and moni, mabuhay resto bar – 170
total: 865
Day 2 – Nov 21, Friday
Itinerary:
05:30 AM: Catch the sunrise/Breakfast
07:00 PM: Snorkeling
01:00 PM: Beach bum
Ang totoong nangyari:
05.30am: nahulaan nyo na ba? syempre tulog pa. si karl lang ang brave soul na nag-catch ng sunrise :D
9am: pagkatapos kumain sa ging-ging, diretso na kami sa bangka ni kuya arca. pero hindi pala namin sya kasama sa pamamasyal, ang kasama namin si buboy/bugoy. advise kasi sa amin mas magandang mag-snorkel sa umaga. inikot namin ang buong isla ng malapascua. kada 30-45 minutes may stop para mag-snorkel.
first stop, coral garden. syempre madaming corals. mdami din isdang kasabay mo lumangoy, astig!
second stop, dead coral garden (ako lang nag-pangalan nito). syempre maraming corals, pero patay o sira. sabi dahil daw ito sa dynamite fishing. na-imbyerna lang kami, wala naman kasing makikita kundi patay na corals at ilang isdang lumalangoy. pero ngayon ko lang napagtanto, kaya siguro sa amin pinakita yun para mas appreciate namin ang magagandang corals kung hindi ito sisirain. nice.
third stop, ship wreck. Japanese ship na lumubog. ang kwento pa ng mga kuya, yung pinagtatayuan ngayon ng Cocobana ang ang dating base ng mga hapon. sa katagalan na, maraming corals na ang nakapalibot sa barko. at madamin isda! nung una parang nakakatakot, pero ayos lang. maganda pa din.
fourth and last stop, di pinangalanan. walang pangalan pero the best na stop! may pinakamaraming coral formation sa lahat ng stop at may pinakamaraming klase ng isda. kaya naman nagtagal kami dito ng mahigit isang oras yata.
12.30pm: lunch at La Isla Bonita, maiba lang.
3.00pm: balik sa dagat. swim, picture, swim uli, emo moment, swim pa. bandang alas singko may napansin kaming kakaiba sa beach front.
6.00pm: punta kami sa Sun Splash dahil may 50% discount lahat ng drinks. ayos! 5PM to 7PM lang ang promo nila, kaya bago mag-7PM may tama na kami. ang lalakas na ng boses, bidahan, lalakas ng tawa, lakas ng trip, lalakas na din uminom. si karl lang ang matino sa amin ng gabing ito, kaming dalawa ni deo – bangenge. :D akala din namin nakatipid kami dito, pero eto ang pinakamalaki naming bill! P930 para sa moni, pizza at french fries. habang lumalakas kasi ang inom namin lalo kaming napapa-order ng drinks. gagols!
8.00pm: hinabol naman namin ang happy hours (4pm-9pm) ng mabuhay restobar. gusto din namin sibukan ang pinagmamalaki ni kuya ramon na long island iced tea. buy one take one pa. game!
wala pala si kuya ramon ng gabing to dahil napuyat sa pag-di-disco. bongga! ang pinagtripan na lang namin ang kanyang three girls. nagpakwento kami ng buhay sa malapascua, buhay sa piling ng foreigner. dahil kalimitin sa bisita ng malapascua ay foreigner (nung time na pumunta kami, kami lang ang pinoy) lahat sila may karanasan sa kanila. si ateng na ang haba ng buhok na laging nakakauna. si ateng na mahaba din ang buhok dahil sya ang nakakasalo. si ateng Lor, na pakipot. :D sorry girls, natandaan ko lang si Lor.
na-meet din namin si Mark, from London. Single. Interesting. siguro sa blog ni Karl mas detalye ang kwento hehe bangenge na talaga kami ni deo, to the point na wala na akong naintindihan sa kwento, tawa na lang kami ng tawa. laugh trip.
Singit: mahal ang tubig sa malapascua. sa ging-ging, P30 isang bote, sa La isla bonita ay P45, sa Sun Splash ay P75. parepareho ng size ito. pero kay mang ramon? LIBRE. libre ang kanta sa videoke, libre ang kwento, libre ang tubig, libre ang ice. ayos!
expense for the day 2:
almusal – 45
boat rent – 233
gagols (goggles) – 150
lunch – 190
accommodation – 200
dinner and drinks, sun splash – 297
drinks and pulutan, mabuhay restobar – 150
total cost – 1265
more pictures on day 2 [here]
yan na lang muna. ang haba na baka wala ng magbasa.
Advertisements