C as in Cebu, Part 2

*** Babala: bawal basahin. mahaba uli. ***

Day 3 – Nov 22, Saturday
Itinerary:
06:30 AM: Departure to Maya
11:00 AM: ETA at Cebu City
12:00 PM: Lunch
01:00 PM: Explore, bili pasalubong
07:00 PM: Dinner at Be*U
Ang totoong nangyari:
7.00am: pinakamalalang hang-over sa naranasan ko sa buong buhay ko. tumayo ako sa kama na nahihilo pa, masakit ang ulo at parang busog na busog na gusto kong isuka. grabe. di na uli mauulit. promise.
diretso na ako nasa ging-ging na ako para mag-almusal. sabi kasi ng kapatid ko kapag may hang-over kumain ako ng saging, iminom ng kape at maraming tubig.
10.30am: simula ng pinakamahabang byahe papuntang Cebu City. tumagal ng limang oras ang byahe.. whew! sakit sa pwet. nung last stop badtrip na talaga ako. ang init pa. asar. malas yata ang araw na ito.
*** adik ***
6.00pm: pagkatapos maligo, magpaganda, bonggang bongga namin pinasyalan ang sirkol (circle). naghahanap kami ng ATM, western union at jeep papuntang SM kung saan namin i-me-meet si deo. nakailang tanong kami paano mag-coomute, mahal kasi ang taxi. ilang beses kaming nagtanong, pero mukhang hindi nila kami naiintindihan (o kami ang hindi makaintindi?) kaya sa huli taxi din ang bagsak namin.
8.00pm: dinner at moni (uli), this time at Parkmall, Cebu City. na-meet din namin ang makulit na pinsan ni Deo, si Hana. wala daw syang alam na maiinuman sa Cebu, puro school-boarding house lang ang alam nya, eto ang sinasabi nya nung hindi pa nakakainom. ng tumagal na, hala na! lumelevel na si Hana. one step higher na ang level sya. kami nasa pagkuha pa lang ng pangalan, sya pagyakap na ang sinasabi. haha peace Hana!
11.30pm: gusto ng matulog ni deo. may samba pa kasi sya ng 6am. pero dahil kailangang maubos ang battery ng cam, picture picture muna. vanity pose. tamang trip. lilinawin ko lang, hindi kami lasing, mga nasa matinong pag-iisip. :D
Day 4 – Nov 23, Sunday
Itinerary:
07:00 AM: Wake-up Call/Breakfast
08:00 AM: City Tour
08:00 PM: ETA at Mactan National Airport
09:05 PM: Departure
10:20 PM: ETA at Terminal 3, NAIA
Ang totoong nangyari:
07.00am: nahulaan nyo na ba? HINDE. kasi gising na ako. gusto ko talagang mag-ayos ng maaga para naman magamit ko ang dinala ko pang pamplantsa ng buhok. adik.
9.00am: simula ng aming bonggang bonggang city tour.
singit: tanda nyo si kuya kaloy? hindi nya kami sinipot, nasa Leyte daw sya (siguro sa kabilang asawa nyahaha) kaya nagpakakuha kami kay manong guard ng inn na tinitirhan namin ng taxing mapagkakatiwaan. si kuya ruel. with live-in partner (not married) with two kids. family driver sa weekend, nag-e-extra sa pag-ja-janitor at sa day-off nya nagtataxi sya. sa sipag nya, hindi ako maniwalang isang pamilya lang ang binubuhay nya hahah. habang nasa trunk ng taxi nya ang gamit namin, nilibot namin ang Cebu City, Talisay City at Mactan.
Taoist Temple. may dala akong tripod, bawal ang tripod. bawal magpicture sa loob mismo ng temple. ang linis, halatang halata na well maintained. pwede kang magtanong o mag-wish na answerable by yes, no and maybe. nagtanong ako, ang sagot? YES. yieeeee!!!!!!!
Jumalon Butterfly Sanctuary. may dala uli akong tripod, bawal uli ang tripod. bawal magpapicture sa loob ng gallery pwede lang sa garden. si Ms. Jumalon ang nag-tour sa amin, machika, palabiro si ate. ang dami ko din natutunan, pano mag-collect, ibat-ibang uri ng butterflies, moths, painting, eggs. nalaman ko din na hindi lahat ng maganda ay maganda lalo na kung paru-paru ka.
Crocolandia. bukod sa buwaya, madami pang hayop ang makikita dito. actually, parang mas madami pang ibang hayop kesa buwaya, pero Crocolandia ang name ng place. interesting. Nakakita kami ng ostrich, snakes, baboy damo, birds, reptiles, at syempre buwaya. bukod sa souvenirs items, ang kakaiba dito ay nagtitinda sila ng cheaverz. ang chorvah naman. :D
Fort San Pedro. Isa sa pinakamatandang spanish base. err.. luma na sya pero well maintained pa din. pagod na kami, gutom pa.
Santo Nino Basilica and Magellan’s Cross. sayang wala na kong dalang tripod. tinamad na kasi ako. bawal magpa-picture sa loob ng sto. nino basilica, kaya ang trip? edi sa labas magpa-pic. guardiya civil nyahaha.
Tabuan Market and Shamrock store. ang eksena sa Tabuan:
salbehe: kuya magkano ang longganisa?
kuya (yung nasa likod sa picture sa ibaba): 25 isang dosena.
deo: bili po ako, salve hindi ka ba bibili?
salbehe: hindi, hindi ako mahilig sa longganisa, ang liliit eh. mas gusto ko ang hotdog.
kuya: ay hotdog? masarap yoooon. (may malisyang pagkakasabi)
salbehe: kuya ha.
(tawanan)
si kuya, maginoo pero mejo bastos, my kind of guy. yiieeee!
Mactan Shrine. eto pagod na talaga kami. pero hindi ako sumusuko. pinapa-pose ko pa din sila. hala prison break ang drama. :)
7.00pm: nasa airport na. si deo nagbabasa, si karl nagbabasa. wakas daw mabubuklat na nila ang dinala nilang libro. ako? nagsisimula ng gumawa ng blog. :D
9.30pm: tsaka palang kami nag-board ng plane. late. lentek. tagal namin nag-intay.
SUMMARY:
Total Cost of Cebu Trip: P4183 (plus fare)
Photos Taken: 1,045
Memories: Priceless
Advertisements