Isyu 101

hindi ako madalas magbasa ng messages sa yahoo group ng kahit anong group na kinabibilangan ko. ewan. hindi lang siguro ako mahilig mag-comment at maghagilap ng tread. pero last November 26, kinalampag ako ng napakadaming pm/txt/tawag (oo may mga tumawag!) dahil sa isang simpleng topic sa UPLB STATS yahoo group.
Subject: inlababu si salve

Elai: darang salve, kaya pala blooming ka ah.. uuuuuyyyyyy. gogogo girl! =)

Roi: salve, masaya ako para sa iyo. sa wakas, nakabingwit ka na muli ng isda mula sa iyong pananalaot. :)

Rodel: naku salve paano na si rae-an??!!! tsk tsk tsk..hehehehehee
kaya ang blog na ito ay isang paglilinaw: ISYU lang po ito. nag-i-isyu lang sila, sa maniwala kayo o hindi. wala silang nakitang kasama ako, nung gabing yun, sila ang kasama ko. ang ebidensya: http://salbehe.multiply.com/photos/album/79/Soms_Thai_Resto
kelan pa kayo naging interesado sa love life ko? o kinakarma lang ako sa dami din ng mga taong inisyu ko noon (sabi ni Mandy)? humanda kayo, gaganti ako. lintik lang ang walang ganti. 
gusto ko lang linawin uli: SINGLE pa din po ako. AVAILABLE na. rodel, sabihin mo kay rae-an may pag-asa pa kami. wapak!  
how i wish totoo ang lahat. paano ko ba i-a-anounce na gusto ko na magka-bf uli? paano ko ba sasabihin na hindi totoo ang isyu at the same time gusto kong magkatotoo na yung isyu? na gusto ko na magka-love life uli? paano ba maghanap ng bf? pwede na ba ito?
Wanted: Boyfriend
Full time or part time position available.
Qualifications: Male, Single, 18 years old and above.
Job Description:
(a) development and management of my emotional, financial and psychological need. pro-active and innovative service relevant to my specified time, and
(b) must have the capability to both work in-depth and at the same time, be an effective person who will build strong relationship with me, my friends and family. will be responsible for the growth of our relationship and must be willing to train and share knowledge and experience as applied in various situations.

Candidates must send letter of application to: Salve [dot] Mogul [at] nielsen [dot] com

Previous applicants need not re-apply.

How I wish pwede ito. tsk tsk.
Advertisements