Pasko na sinta ko

Isa sa pinakamalungkot na pamaskong jingle, hindi pwedeng i-pangkaroling. Talaga namang maiiyak ka kung dadamdamin mo talaga ang lyrics. Alam nating lahat na tungkol ito sa sawing pag-ibig sa pasko. Pasko pa naman ang pinaka-celebrated nating event. Sabi nga, tis the season to be jolly, oh magsaya at magdiwang!
Alam nyo ba? Na sa huling limang taon ng pasko ko, mayroong bumabati sa akin ng merry christmas at happy monthsary ng sabay. May napagsabihan akong kaibigan na kinakabahan ako ngayong darating na pasko. Ayokong mag-isa.
Alam nyo ba? Na dapat naka-unli na ako ngayon, dahil bakasyon madaming naka-unli din, madaming kakulitan. Ngayon, nakalimutan ko na kung paano mag-register ng unli. Pero nagpapasalamat pa din sa mga buong pusong tumatangkilik sa unli (lalo na sa STATS, hooray sa gm!) dahil madalas ng tumunog ang cellphone ko. Hindi lang ako madalas mag-reply pero natatanggap ko ang makukulit at minsang nakaka-antig damdaming mensahe ninyo. Keep those mushy quotes and corny jokes coming.
Alam nyo ba? May dumating na lalaki sa buhay ko ngayong pasko. Ang tatay ko. Hindi ko matandaan ang ang huling uwi ng tatay ko na pasko. Lagi nya kasing iniiwasan ang event na ito para umiwas sa mga inaanak at kamag-anak haha alam nyo na saan ko nakuha ang pagiging kuripot ko.
Alam nyo ba? First time kong magnoche buena mamaya. Hindi naghahanda ng noche buena ang nanay ko dahil labag ito sa kanyang relihiyon, pero ngayong andito ang tatay maghahanda kami. Nag-grocery na kami para sa noche buena last week pa, hindi naman kami masyadong excited.
Alam nyo ba? Wala pa akong regalo sa tatay ko. Bago umuwi mamaya, isa ako sa mga taong nasa mall na hahabol sa holiday rush. Aaminin kong hindi ako sanay magbigay ng regalo at hindi ako marunong bumili ng regalo. Sa lahat ng exchange gift na sinalihan ko ngayon puro gift certificate lang binigay ko.
Maraming bago sa akin ngayong pasko, may masaya at hindi din maiiwasang may malungkot, sabi nga you cant have everything. Pero masaya kong masasabi na damang dama ko ang diwa ng pasko dahil kumpleto ang aming pamilya.
Maligayang pasko sa mga sinisinta ko! Naway diwa ng pasko’y inyo ding makamtam!
Advertisements