Break muna

Happy new year everyone! Kung hindi ko kayo nabati ng aking personalized new year text, malamang hindi kayo Globe. Suggested new year resolution ko sa inyo: mag-switch na kayo sa Globe.
Ang ingay ng Stats noong Christmas vacation, salamat uli sa pagsama sa akin sa gm nyo.
Nagpaputok ba kayo noong bagong taon? Kami oo! ang saya ng bagong taon sa bahay, kasi nasa mood ang tatay kong magpaputok kahit umuulan.
Anong bang nangyari sa akin this past month? Bukod sa uber overtime sa office dahil sa paglipat sa akin sa uber hirap na position na walang namang dagdag sweldo, madami pa akong kwento. Sa dami ng kwento ko, hindi ko na ikukwento.
New year resolution? Gumising ng maaga. January 5, 2009, Monday, first workday ng taon, late ako ng kalahating araw. Better luck next year. Taon-taon, ito ang new year resolution ko, hay, niloloko ko na lang ang sarili ko.
Tanda nyo yung rummage ko last year? May second wave yun this year. Abangan.. Coming Soon.
  • Cielo, kunin mo pa ba ang kalan? Kelan ko pwedeng dalin?
  • Roi, yung lamp bayad na di ba? Kelan mo kukunin ang lamp? Pasyal ka na lang sa bahay.
  • Julie, kukunin mo ba yung banig? Maganda pa yun, minsan lang magamit :D
  • Jem, yung damit mo kunin mo na sa bahay!
Alam nyo yung busy? Eto, alas onse ng gabi, overtime, gumagawa ng blog.
Advertisements