may L ako

Teka, magba-blog lang ako. Na-mi-miss ko na itong gawin.
Sa mga naghanap sa akin last week, maraming salamat! Kahit hindi ako nagte-text, ramdam ko ang presensya nyo. Sorry na, wala akong load.
Anong nangyari? Sa Guimaras pa lang, nagsimula na ang L ko:
salbehe: Donald may L ako.
donald: Hoy mag-ayos ka. (galit)
salbehe: Totoo, L na L na ako.
donald: naman, bahala ka jan sa L mo. (galit na talaga)
salbehe: Ano ka ba? L as in Lagnat.
Ang hirap  kapag nakilala kang bastos, isang letter pa lang ang sinasabi mo, iba na ang iniisip. Nang sinabi kong totoong may sakit ako, walang naniwala. Nasa Iloilo City na kami ng maniwala silang kailangan ko na talaga ng Biogesic.
Pagdating sa Manila, nagpatest na agad ako for Dengue, negative. Yes! After one week, may sakit na uli ako. Iniubo, sinisipon at may L.
friend:may sakit ka?
salbehe:yes
salbehe::(
friend:aawww
friend:anong sakit mo?
salbehe:may L ako :D
salbehe:L as in Lagnat!
friend:ah
friend:ako din may L
friend:LANDI!
friend:hahahah
salbehe:akala ko L as in Libog hahahah
friend:LANDI muna bago LIBOG!
friend:hahaha
friend:pag may pumatol sa landi ko, ayun libog na
friend:waaahahahha
friend:ano ba yan
friend:baka magkasakit ka lalo
friend:hihihi
Sa lahat ng conversation ko, ito ang pinakamasaya! Hahaha
Bumalik uli ako sa doctor, nagpa-urinalysis, fecalysis at blood test with platelet count uli, negative lahat. Pero masama na talaga ang pakiramdam ko kaya ipinahinga ko na talaga. Umuwi ako ng Laguna para magpagaling, sabi ko nga sa isang friend, at least sa Laguna may taga lagay ako ng Vics sa likod. :)
Conclusion: L na L lang ako. Lagnat Laki.  
Napatunayan ko din palang.. masamang damo nga ako.
Advertisements