i love you, goodbye

Bakit ang hirap pakawalan ng mahal mo? Sa experience ko, kapag minahal mong tunay, hindi lang sampung beses mong iisipin kung pakakawalan mo sya. Madami din naman na kayong pinagsamahan, maraming tawanan, eat out, pa-deliver, inuman, kwentuhan, intrigahan, chikahan. Marami kayong shared experiences na talaga namang may paglalagyan puwang sa iyong puso.

Ok lang kahit napagseselosan na sya ng iba kong kaibigan dahil wala na akong panahon sa kanila. Basta mapaglingkuran lang kitang naaayon sa iyong mga patakaran, masaya na ako. Naibibigay mo din naman ang aking gusto. Sa iyong special na pamamaraan, napapaligaya mo ako.

Pero alam mo, nakakapagod kang paglingkuran. Napaka-demanding mo, hindi pa sapat ang aking mga pagapapahirap para sa iyong ikaliligaya. Marami ka pang hinihingi sa akin na hindi ko na kayang ibigay. Hindi na din sapat na akoy maging maligaya sa piling mo, gusto ko na lang maging maligaya period.

When break up comes and it’s time to say goodbye, don’t doubt the love just because it didn’t last. May mga bagay sa buhay na di man nagtatagal, it doesn’t mean di na ito totoo. Some good things are just never meant to last forever. Okay lang yon. Bless the parting and move on.

Kakapasa ko lang ng resignation letter.

Goodbye Nielsen… Hello world! 

Advertisements