pitik-bulag sa buwan ng pebrero*

Ngayong malapit na ang balentayns, do you feel any pressure right now? Ako, yes I feel the pressure right now. Kung pathetic ako sa tingin ng iba [click], wala akong pakialam.
Bakit kasi hanggang 28 ang pebrero? Pwede namang 13 lang.
Katulad ng pasko, isa si pinakakatakutan kong araw ang Feb. 14. Sa nakalipas na anim na taon kasi, first time kong mawalan ng date. At sa totoo lang, naiinggit ako sa mga taong hindi single. Alam ko kasing may special someone sila na magbibigay sa kanila ng bulaklak at chocolate (kahit allergy ka), may pinagpaplanuhang manood ng sine, dinner,  gala, motel o kung nagtitipid, sa damuhan. Bakit ba naman kasi sa araw na ito, mas nabibigyang pansin ang mga taong may capital S sa noo. Sabi nga ni papa karl: SAD: Single Awareness Day!
How sad. 
Hindi naman sa walang nagyaya sa akin, medyo hindi ko lang sila type i-date. Parang may karapatan pa akong mamili. Ilan sa mga prospek ko ay:
Prospek #1: May asawa na, pero hindi naman sila nagkikita.
Prospek #2: Walang asawa pero may anak, hindi din nagkikita.
Prospek #3: May girlfriend, walang anak, pero nasabi ko bang may girlfriend?
Prospek #4: Walang girlfriend, walang asawa, walang anak, pero hindi kami nagkikita.
Sa apat na sinabi ko sa itaas, dahil sinungaling ako, mamili ka lang ng tamang sagot:
(a) Prospek #1 and Prospek #2 are true.
(b) Prospek #3 and Prospek #4 are true.
(c) Only Prospek #3 is true.
(d) Only Prospek #4 is true.
(e) All of the above.
(f) None of the above.
* Hango sa pamagat ng screen play (yata) na akda ni Ricky Lee. Binabasa ko kasi ang kanyang nobelang “para kay B” at nakita ko ang title na nasa title ko ngayon na pakiramdam ko ay bagay na title sa blog ko kahit hindi ko alam ang ibig sabihin ng pitik-bulag. Whatever.
Advertisements