I love you, goodbye (part 2)

Sino at ano mami-miss ko sa Nielsen?
(Not in any particular order.)
Jen and Law, CPS pips.
Weng Yeng, Weng Fong, Tulakarn, Andrew, Maam S, Patrick, Lena, Agnes, Anna, Philip.
Poch.
Si Glenda, ang lady guard na laging masama ang tingin at ni-lo-log ang pagpasok ko. Wala yatang tiwala sa sinusulat na time-in at time-out kaya sinusulat uli nya sa kanyang logbook. Kelan ko lang nalaman na ginagawa pala nya yun sa lahat ng empleyado. Kung sinong may utos, ewan ko, baka trip lang nya.
Manong Guards, ang taga kuha ko ng taxi pag na-lalate ako ng uwi. Mababait naman at magalang, pero minsan may mahalay na pagtingin kapag nakasuot ako ng skirt o shorts (pag weekend) o dress. Ewan kung imagination ko lang pero dinadalasan ko na din magsuot ng mga mahahalay na damit. Haha
Pagkain sa Lady Soc,at sa iba pang karinderia sa likod ng opis a.k.a. OutBacks. Not the best tasting menu on earth, but the accessibility is enough to satisfy our hunger. Need I say more? Nah.
RSD Pips. Ms Marge, Epik, Lor, Chito, Andre, Alvin.
Cubicle ko.  Na mini-replica ng Payatas. Lagayan ng lunch food, tambakan ng snacks, plaza ng ipis tuwing gabi, makalat na makalat. Pinakamakalat ng cubicle na nakita ko. Yuck!
Sunset sa lobby, 4th Floor, facing the fire exit. Simply lovely! Nakakawa ng stress pag naabutan mo, yun ay kung maabutan mo.
Rico, our manager (dati). Manager pa din pero hindi na nya kami handle. Laging kaaway si Cielo. Kahit ano na nagpag-awayan nila. Tanda ko dati pa-pirma lang kami ng mga iniimbento naming leave, pirma lang din sya ng pirma. May mga advise din syang hindi namin alam kung saan nya hinuhugot. The best manager. Ever.
John, the growing boy.
Dear, Krupa.
Client Service/PL/Product Specialist pips. Kilala nyo kung sino kayo, kayong nakakaalala lang pag may request. Hehe peace!
Strawberry, malaki ka na, alam mo na ang ginagawa mo. Dapat.
Deo, my partner in crime. Alam ko at alam mo din na kung ano man mangyaring hindi maganda sa data (sana wala) sisihin ninyo ako. Ok lang yun tanggap ko. Ganun din ang ginawa natin sa mga naunang umalis. I guess this time its my turn. :D
IVPO and RD Pips. Ms Ching, Ate Melca, Ms Grace, Ate Marian, Ate Ester, JP, Madel, Trix, Tin, Erick, Bel.
Karl, our Papa Karl. Sabi nya kami lang daw nakakatawag sa kanya ng kung anong maimbento naming tawag sa kanya na hindi ko na sasabihin.
Ate Pres, Ate Ella, Ate Son, mga seksitary.
Microwave sa 4th floor, sira. Sinubukan namin minsang gamitin (hindi pa noon namin alam na sira) abay tumunog ng hindi kaaya-aya, nangamoy ng hindi kaaya-aya, buti hindi pumutok! Ibang putok pa naman ang hinahanap namin hahaha
Toaster sa 4th floor, hindi sira. Pero kahit kailan hindi kami nangahas na subukan ang kanyang abilidad. Lastek, mas makapal pa ang kalawang na nakapaligid sa kanya (loob at labas) kesa sa kapal ng mukha ko. Feeling ko matetetano ang sino man humipo.
Wowie, my another partner in crime. Weeeiii good luck sa atin! Good  luck sa mga retailer na hawak mo pag umalis ka na.
Sarah and Cielo, our angels. Madami akong natutunan sa kanila na hindi matatagpuan sa apat na sulok ng aming opisina.
Philippines Operation Council. Kung saan kalahati lang ang totoong meeting, kalahati chika at chicha.
Advertisements