Bolinao Weekend Getaway: Travel Blog

ITINERARY:

Day 01, February 21, 2009

0100am Assembly at Glorietta, Makati

0130am Estimated Time Departure from Makati to Bolinao, Pangasinan

0730am Estimated Time Arrival Solomon’s Paradise Resort. Breakfast and Rest (On pax own account)

0930am Visit Enchanted Cave then proceed to Bolinao Falls

1230pm Lunch (On pax own account)

0130pm Tour Resumes Picture taking at Bolinao Church

0200pm Proceed to UP Marine Institute (Optional :Entrance Fee is Php 10/person)

0230pm Proceed to Cape Bolinao Lighthouse

0300pm Stay at Patar White Beach to watch sunset and swim

0600pm Go back to Resort.

Ang totoong nangyari:

1:15 AM kami nakaalis sa Glorieta, na-meet namin ang aming batang batang tour guide na si Otan. Along the way, ewan ko kung anong nangyari, nabinyagan na syang Onat. Sensya na Onat, nagbibigay talaga kami ng bagong pangalan sa bagong kakilala lalo na kapag kasing gwapo mo. Naks! Sana may discount na kami sa susunod na tour. :D

7:00 AM kami nakarating sa Solomon’s Paradise. Hindi namin alam kung bakit ganyan ang pangalan ng resort na yan, Brent/Bret naman ang pangalan ng may-ari. Kumain ng breakfast, nagpahinga.

9.30 AM we start our tour right, so our first stop is the Bolinao Church! :D pampalakas kay Lord na sana gabayan kami sa aming tour.

10.30 AM pumunta kami sa UP Marine Institute, na-meet si Ate Glai, dating ka-course ni Mandy, kapatid ni Estong na brod namin sa Stats. Small world talaga, ang daldal ni Ate, madami syang naiturong may mga malalim na kahulugan bukod sa kung anong maipapaliwanag ng siyensya. (read: bastos)

11.30 AM kumain kami sa Adora’s, na bininyagang Adele ni Glad.

Kung mapapansin nyo, hindi namin sinunod ang itinerary trip. Kasi gusto muna naming puntahan ang mga lugar na tuyo bago ang basaan. Kaya pinagsamasama namin ang mga lugar na may basaan.

1.30 PM Bolinao Falls No.1. Promise yan ang pangalan nyan, wala pa siguro silang maisip na mas magandang pangalan. Konting lakarin lang naman, pero ewan ba hindi ako naniwala kay Onat ng sinabi nyang walking distance lang. Daan pa lang papuntang Bolinao Falls No. 1, maganda na. Kakaiba din ang falls.

2.00 PM Bolinao Falls No. 2. Dahil may No. 1 dapat may No.2. Hindi na namin napigilan ang aming pagkasabik sa tubig at syempre nainngit lang din ako kay Mandy dahil nauna silang lumusong. Very refreshing ang feeling! Sulit talagang mabasa! :D

3.00 PM Enchanted Cave. Kung gaano walang kakwenta kwentang pinangalanan ang falls, overrated naman ang pagpangalan sa kwebang ito. Pero infairness, maganda din ang kweba, at tandaan may mga lugar na hindi pwedeng pasukin sa loob ng kweba.

4.00 PM Patar Beach na may pamatay na waves at pamatay din na sunset.

ITINERARY:

DAY 02, February 22, 2009

0700am Breakfast.

0800am Free Time.

1200pm Check-out.

0100pm Estimated Time Departure from Bolinao to Makati.

0800pm Estimated Time Arrival to Makati.

Ang totoong nangyari:

07:00 AM Ewan kung may gising na, pero ako tulog pa.

08:00 AM Ang aming usapang aalis na dahil wala kaming breakfast. Actually, yung room lang namin ang walang breakfast kasi nagsamasama kaming mga pasaway (Roi, Roan, Svet and me). Dahil late na, pagpalate ng lalo. Pumunta kami sa tapat ng Solomon’s Paradise, and it is indeed a paradise! Syempre hindi namin pinalampas ang photo op na ito.

09:00 AM Check out, dumaan sa bayan ng Bolina para kumain ng meryenda.

11:00 AM Pinilit dumaan sa Alaminos, Pangasinan para kumain, iniwasan kasi naming kumain sa Adora/Adele kaya dumayo kami sa Alaminos para magtanghalian. Hindi naman kami nagsisi dahil sa halagang P80 nabusog kami ng hipon, bangus, longganisa at Coke na malamig. At tinderang napakabait. Syempre hindi namin pinalampas ang photo op sa tapat mismo ng Hundred Island.

1:00 PM Byaheng pauwi. Sa tingin nyo natulog kami? HINDE! (ok natulog ako pero konti lang) Eto kulitan to the max. Mga joke ni Ycel at Bel na bentang benta kay Aileen, ang excitement namin ng makakita ng napakalaking sapatos at gustong hanapin kung sinong may-ari. Ang mga kantang saulo ni Van (yeah, faster!). Mga tawanan, kwentuhan at bastusan. Walang pikon, walang talo, lahat panalo.

7:00 PM ako nakarating sa Quezon City. Right on sched :D

Advertisements