Plurk mo mukha mo!

Bago ang lahat i-add nyo muna ako sa Plurk:
Thank you sa pag-add, sana makadagdag sa karma natin. OK, balik na sa blog.
Noong una kong marinig ang Plurk, iba talaga ang pumasok sa isip ko. Para kasing tunog ng bumabagsak na tae. pero ayon sa aking research may ibang kahulugan ang Plurk:
– abbreviation of ‘people’ and ‘lurk’
– word formed by blending sounds of ‘play’ and ‘work’
– acronym of Peace, Love, Unity, Respect, and Karma
Sa tatlong linggo kong petik mode, sinubukan kong mag-plurk. mas mabilis ang takbo ng usapan sa plurk, parang napakaraming conference na may iba ibang topic.
Dapat kakaiba at nakatatawag ng pansin ang Plurk mo para may mag-response – more response, more karma. May konsepto kasi na tataas ang karma mo kapag nag-plurk ka, nakapag-upload ka ng pics, na-update mo yung profile, nakapag-add ng friends, nagkaroon ng fans at may nag-response sa mga plurk mo. Kahit gaano kawalng kwenta o kabastos ang nasasabi ng profile o ng plurk o ng response mo sa plurk, walang pakialam dun ang karma as long as active ka. Ironic di ba?
Nirvana? pwe! pwede ko namang makuha yan ng hindi gumagamit ng Plurk. 
Gusto kong pasalamatan ang buong pusong tumatanggap ng Plurk ko. Hindi kasi ako ma-response na plurker, nagreresponse lang ako sa Plurk ko. Pasensya na..
Advertisements