sikretong malupit

Tanong: Bakit hindi ako makapagtago ng sikreto?
Sagot: May nabasa akong article na ang mga taong “who can’t keep secret” ay may disorder chorvah daw. Whatever!
Tanong: Bakit ba naimbento pa ang secret?
Sagot: Oo nga, para saan ito? Lahat naman ng sikreto ay nabubunyag, its just a matter of time. Napapadali nga lang ang life span ng secret kapag nasabi na sa akin.
Tanong: Bakit ba sa tuwing nakakarinig ako ng sikreto ay nagpapanting ang tenga ko.
Sagot: Iniiwasan ko ng makarinig ng sikreto. Kapag may nagsabi sa akin na “Salve may sasabihin ako sa iyo pero secret lang ha?”, eto ang sinasagot ko: “Ah secret ba? pwede bang huwag mo sa aking sabihin?”. (hindi yata sagot sa tanong haha)
Tanong: Bakit kahit sarili kong sikreto hindi ko ma-sikreto?
Sagot: Dahil hindi naman talaga dapat isikreto na masaya ako.
Tanong: May sikreto ka?
Sagot: Kung ayaw mong mabulgar sa buong mundo ang kung anong itinatago mo, simple lang, huwag mong sabihin sa akin.
Advertisements