lust at first sight [UPDATED]

may theory ako.
hindi ako naniniwala sa love at first sight. hindi din ako naniniwala na na-in love ang isang tao dahil sa pag-uugali. pero naniniwala ako sa power ng libog.
ooopss! sa mga nag-iisip na naman ng masama, hindi ito bastos.
magpakatotoo tayo. kapag una kang nakakilala ng opposite sex, hindi bat una mong napapansin ang panlabas nyang kaanyuan kesa sa ugali? nakita mo pa lang sya kaya hindi mo pa alam ang ugali nya. nagandahan ka na sa mata nya, feeling mo masarap halikan ng labi nya, matipuno ang pangangatawan. attracted ka muna sa pisikal nyang katangian. gusto mong mas makilala pa sya ng masinsinan. gagawa ka ng paraan para makausap/makatext/makachat sya. love at first sight? think again.
paano ka maiinlove sa hindi mo pa kilala at nakita mo pa lang? ang tawag ko dyan: libog.
inuulit ko theory ko lang ito, hindi ko sinasabing totoo ito.
ooopss! sa mga nag-iisip na naman ng masama, ok.

Lust is our sin… there is nothing wrong with looking.


hindi din ako naniniwala na na-inlove dahil sa pag-uugali.

una, dahil nakita mo muna sya bago mo sya nakilala. naging interesado ka muna sa mukha at katawan. bonus na lang kung maganda ang ugali. kung tinamaan ka talaga, ok lang kahit may ugali. ang sa akin, una kang nalilibugan kesa nag-iisip.

pangalawa, sa ugali inlove ka na? c’mon! syempre may pisikal na qualities din syang nagustuhan mo. maganda ang mata kahit malaki ang ilong. maganda ang tindig kahit maitim. pantay pantay ang ngipin kahit bad breath. at least may magandang quality na kalilibugan mo. pero kung puro ugali ang basehan mo para ma-inlove sa isang tao.. edi sige. theory mo yan, basta ako eto ang theory ko hehe

parang high end phone na kahit anong ganda ng specs, resolution at feature kung wala namang aesthetic value, hindi pa din bebenta sa iyo. katulad neto:
Motorola Aura is an ugly phone and not worth it.

Advertisements