teka, nag-birthday pala ako.

ang daming may birthday o nag-birthday sa blogsphere. naalala ko tuloy na katatapos lang ng birthday ko.
kung hindi ko kayo naimbitahan sa aking birthday party, wag kang magtampo, walang birthday party. hindi talaga ako nag-ce-celebrate ng birthday dahil sa sumusunod na dahilan:
una, kuripot ako. ayokong manlibre. need i say more?
pangalawa, hindi talaga ako nag-ce-celebrate. redundant na? kasi hindi talaga. hindi namin kinagawian maghanda tuwing birthday, katulad ng hindi namin pag-ce-celebrate ng Pasko, Bagong Taon, Holy Week, etc. Jehovah’s Witnesses kasi ang nanay ko.
pangatlo, ayaw kong maalala na matanda na ako. pwede na akong magkasakit at mag-alboroto at gawing dahilan ang tinatawag nilang midlife crisis.
Twenty seven years old. yikes! yan ang edad ko ngayon. mas magandang tingnan in wordskesa in figures. Go figure.
versus
Advertisements