i don’t get jealous. ngayon lang.

i don’t get jealous… DATI. ang persepsyon ko kasi doble ang talo ko kapag nagselos ako.

(1) nagselos ako, sumama ang loob ko.

(2) matutuwa pa yung lalake dahil nagselos ako.

bukod dyan, hindi ko din talaga ugali na magselos. wala naman kasi akong makukuha sa selos. nakokornihan din ako sa mga taong ginawang hobby ang magselos. mas madami pa namang emotion na pwedeng pagpilian, kaya bakit pa dapat piliin ang selos?

last weekend habang nangyayari ang kaguluhan, ok lang sa akin ang mga SOCO moments na mismong nasaksihan ko pa.

(SOCO: malaswang pangyayari na may ebidensya(?) di ko rin sigurado ang eksaktong kahulugan. nauso eto sa panic room ng Caramoan)

nung nakita ko ang mga SOCO pictures, aminin ko na, hindi agad ako nakapag-react. binasa ang mga comment. huminga ng malalim. nag-close ang multiply. nag-isip. tatlong araw bago ako nakapag-comment.

may isang damdaming pinipilit kong pigilan ngunit nagpupumilit din magpapansin. parang nakasakay sa roller coaster ang utak ko, parang pinapakuluan ang sikmura, parang hinihigop ang puso. nakakahilo, masakit sa tyan, nakapanghihina. tae,  ganun pala ang selos.. feeling tae lang din.

oo nagselos ako. siguro naman normal na reaksyon lang yun ng isang normal na nagmamahal. (ang cheezy!)

pagkatapos mahimasmasan, makapag-isip uli at mag-usap…

(1) wala naman talagang dapat pagselosan. hello??? panickers ang kasama, normal ang SOCO. magkasama kami, andun pa ako mismo habang nangyayari ang mga SOCO moments. wala lang, nagselos lang ako at sumama ang loob.

(2) natuwa maligaya si Mark dahil nagselos ako.

Konklusyon? tama ang persepsyon ko tungkol sa selos, doble talo lang.

P5311307

P5311304

P5311317

P5311324

P5311333

salamat panickers! feeling ko normal na tao na ako. naks!

alam ko si Roi ang unang matutuwa pag nabasa ito. Congratulations Roi! eto na.

gusto mo bang magkomento? dito po:

https://salbehe.wordpress.com/koment/

Advertisements