TNL vs TNB vs TNV vs Salbehe

Definition of Terms

TNL: Tunay na Lalake (http://tunaynalalake.blogspot.com/)
TNV: Tunay na Veyklas (http://tunaynaveyklas.blogspot.com/)

Salbehe: Salbehe (https://salbehe.wordpress.com/)

Round 1:

TNL: Ang Tunay na Lalake ay hindi natutulog.
TNB: Ang Tunay na Babae ay may pampagising.
TNV: Ang tunay na veykla ay super borlogs kapag may chance. Sleeping beauty galore para (1.) ganda ng fez at skin pagka-gising, (2.) para di ga-maleta ang eyebagey, at (3.) para mega energy sa rampa. Exception: mga taong bangag ever sa bawal na gamot (pero ang mga gandarang veykla na bangag sa hormonal pills na pampadagdag boobs at pampawala ng bigote at hairla sa kilikili ay pasok!)

Salbehe: Agree kay TNV, maliban sa Exception part.

2398290644_ef5f389f6b

Round 2:

TNL: Ang Tunay na Lalake ay di nagte-text-back, maliban na lang kung papasahan ng load. Gayunpaman, laging malabo ang kanyang mga sagot.
TNB: Ang Tunay na Babae ay sasagot ng cryptic smileys.
TNV: Ang Tunay na Veykla ay mega super text back. Kever kung sang lupalop man ng bansa. Afraid ma-warla ng jowa-jowaan sa text. Kinakarir din ang pagpapasaload sa mga betinang mhenchaluz. ang Tunay na Veykla ay mega long-ish mag-reply sa text. Di pwede ang reply na “k” lang. Sad ever agad kapag di tumutunog ang celphone to the tune ng kanyang latez fave dance tune hudyat na nagtext back na sa wakaz ang tinext n’ya 10 hours ago 10 times ng “hi. musta ang sweety ko?”. Meron din s’yang sim ng lahat ng networks. Para text-proof at call-proof ang buhay.

Salbehe: :D Adik sa txt ang TNV.

Round 3:

TNL: Ang Tunay na Lalake ay laging may extra rice.
TNB: Ang Tunay na Babae ay kaya kang papayatin.
TNV: Ang Tunay na Veykla ay never umaaming nag-e-extra rice.

Salbehe: Ang tunay na babae ay laging umo-order ng half rice.

Round 4:

TNL: Ang Tunay na Lalake ay hindi vegetarian.
TNB: Ok lang. Ayaw ng Tunay na Babae ang malambot.
TNV: (walang entry patungkol sa pagiging vegetarian, siguro’y mas ineresado sa karne)

Salbehe: Agree kay TNB.

Round 5:

TNL: Ang Tunay na Lalake ay walang abs.
TNB: Ang Tunay na Babae din.
TNV: Ang Tunay na Veykla ay either may (1.) parlor, (2.) bet tumambay sa parlor, (3.) or bet magkaron ng parlor balang araw kung makalusot kay fadir. (note: may mga tunay ding lalakeng tumatambay sa parlor at alam ng tunay na veykla kung ba’t sila andun)

Salbehe: No comment.

Reality_For_Men

Round 6:

TNL: Ang Tunay na Lalake ay hindi sumasayaw.
TNB: Ang Tunay na Babae ay nag-sigh of relief.
TNV: Ang Tunay na Veykla ay super dance diva sa dance floor or kahit sa shore ng puerto galera kung lasengga na.

Salbehe: Si Salbehe ay hindi din sumasayaw. TNL ba ako?

Round 7:

TNL: Ang Tunay na Lalake ay umaamin ng pagkakamali sa kapwa tunay na lalake.
TNB: Ang Tunay na Babae ay ichi-chika sa kapwa tunay na babae ang mga kamaliang taglay mo.
TNV: Ang Tunay na Veykla ay okrayera pa-simple man o harapan. o kahit sa kapwa tunay na veykla.

Salbehe: Si salbehe ay walang pakialam at mananahimik na lang.

Round 8:

TNL: Ang Tunay na Lalake ay laging may tae sa brief.
TNB: Ang Tunay na Babae ay iiwan ka.
TNV: Ang Tunay na Veykla ay laging malinis ang p’wet.

Salbehe: Bakit laging may tae sa brief ang TNL? Yuck!

Round 9:

TNL: Ang Tunay na Lalake ay di naghuhugas ng pinagkainan o nagliligpit ng kanyang mga gamit dahil may babaeng gagawa noon para sa kanya. Mas lalong nagiging tunay ang pagkalalake kung di niya kilala o di niya maalala ang pangalan ng babae.
TNB: Ang Tunay na Babae ay magyayaya na lang mag-dinner out. Pagkatapos ay bibigyan ka ng dahilan para makalimutan mo pangalan MO.
TNV: (walang entry patungkol dito, siguro’y nagtatampo dahil nakalimutan ng TNL ang kanyang pangalan)

Salbehe: Rock on TNB!

boom-reyes-miss-gay-philippines-2009

Round 10:

TNL: Ang Tunay na Lalake ay di nagsisimba.
TNB: Ang Tunay na Babae ay ipagdarasal ka.
TNV: Ang Tunay na Veykla ay kinakarir ang pagsali sa ms. gay contests mula aparri hanggang jolo.

Salbehe: Ay nalilito na, dahil hindi din sya nagsisimba.

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Advertisements