Okrayan: Friendster, Facebook, Multiply, Plurk at Twitter

“kung seryoso ka pa din sa Friendster bilang primary social network mo.. move on!” – http://plurk.com/p/122klb

Social Network. Para lang itong cellphone. Noong unang panahon, nabubuhay tayo kahit walang cellphone, ngayon, imagine yourself na walang cellphone. Err.. weird. Kasi di nyo maimagine na walang cellphone. Para din lang yang social network, kung wala kang account, hindi ka in. Pero hindi na lang Friendster ang dapat pagtuunan.

Facebook. Kung may Friendster ka, sisiw sa iyo ang Facebook, mas sosyal ka na nga lang. Mga jologs na lang kasi ang natira sa Friendster.

Halimbawa (galing sa dating email sa akin ni Nat):

download2Companies: oN mAh hiStOry.. wYL i WAs On A mAll hOppiNg.. sUmvody GAve mE A stArstruck fOrM… HAhA! itz kinDA wEiRD…. wAtZ uP wit dAt huH? (salbehe: what’s up with YOU??)

download3Hometown: TaGuiG..ThE FLazE To bEE..MaHoGanY (salbehe: ayus!)
Occupation: boniFiEd and cErTiFied HeavEn ringEr..aLpha MaN..
(salbehe: meaning…. )
Affiliations: aFiLL-FuLL and ThuguFuLL..ThEY r grEaT jusT 4 onE nigHT buT iM grEaT evErY nigHT!!
(salbehe: gets mo? ako hindi.)

Sa tingin ko pagdating ng panahon, mamomonopolya na din ng mga ganitong profiles ang Facebook sa papaanong sasakupin nila ang buong mundo. Habang hindi pa nangyayari yun, pakasaya muna tayo sa Facebook! Bukod sa pagkokonek mo sa iyong dating classmates, crush, kaibigan at kamag-anak pwede ding maglaro ng games, mag-chat at sumagot ng mga walang kakwentang kwentang survey, maglaro ng mga games kung madami kang pampalipas oras.

Multiply. Multiply boast to show your “real-world” network. Tae. Halos lahat ng relationship ko sa Multiply ay hindi totoo.

multiply2

Ang maganda sa Multiply, walang limit ang paglalagay mo ng pictures. May isa akong photo folder na umabot ng 400++ ang pictures, walang reklamo. Kung bussiness mo din ang magtinda online, maganda ding gamitin ang Multiply dahil ayos talaga ang kanilang media uploads features. Dati akong na-addict sa Mulitply, ngayon turn off na. Kasi binago nila ang Inbox view, nakakalito ng gamitin. Feeling ko din bumagal mula ng nagpalit sila ng interface. At feeling ko din ginagaya nila ang Facebook. Turn off!

Plurk. Noong una kong narinig ang Plurk, iba talaga ang pumasok sa isip ko. Para kasing tunog ng bumabagsak na tae. Pero binigyan ko pa rin ng pagkakataon ang Plurk. Mas mabilis ang takbo ng usapan sa plurk, parang napakaraming conference na may iba’t ibang topic.

Dapat kakaiba at nakatatawag pansin ang Plurk mo para may mag-response – more response, more karma. May konsepto kasi na tataas ang karma mo kapag nag-plurk ka, nakapag-upload ka ng pics, na-update mo yung profile, nakapag-add ng friends, nagkaroon ng fans at may nag-response sa mga plurk mo. Kahit gaano kawalng kwenta o kabastos ang nasasabi ng profile o ng plurk o ng response mo sa plurk, walang pakialam dun ang karma as long as active ka. Ironic di ba?

Twitter. Iba din ang naisip ko nung una kong marinig ang Twitter, pero hindi mo na kailangang malaman, baka isipin mong nagiging bastos na naman ako. Katulad ng Plurk, ang Twitter ay isang Micro-blooging site na may halong pagka social network.

Wala akong masyadong kaibigang nag-tu-Twitter, pero minsan masaya din magbasa kung anong ginagawa, gagawin at iniisip nila Mandy Moore, Ashton Kutcher, Oprah, David Archuleta, atbp. Minsan naiisip ko din kung totoo nga bang sila mismo ang nag-tu-Twitter o ibang jologs na gustong sumakop ng mundo.

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Advertisements