Good luck sa nagnakaw ng wallet ko.

Matagal ko ng napatunayan na hindi nailalaga ang credit cards. Good luck sa nagnakaw ng wallet ko. – http://plurk.com/p/140k9v

Lastek ang wallet ko. Di man lang nag-file ng LOA. Bigla na lang nawala.

Nang mawala ang wallet ko kagabi, eto ang mga tinext ko (in order).

(1) Cielo. Inalam ko kung nasa office pa sya at may kapangyarihang mag-Google. Nakisuyo akong magpahanap ng mga number para maipa-block ang ATM at credit cards na nasa wallet ko.

(2) Mark. Inutangan ko para may pamasahe kinabukasan.

(3) Mae. Sana naibsan ang kanyang pangungulila sa nawalang payong ng malaman nyang meron pang mas malas sa kanya kahapon.

(4) Essy. For her information.

(5) Mamita. For her information din lang lang sana. Nag-aalangan pa nga akong sabihin sa nanay ko kasi baka mapagalitan lang ako dahil sa aking katangahan. Hindi ko akalain ang naging reply nya:

“Part ng city life ang manakawan, madukutan at matutukan. Kaya kung magkaganon huwag kang manghinayang sa pera. Ibigay mo, huwag ka lang masaktan. Charge it all to experience.”

Wow!

Ano nga bang nawala? (in no particular order)

(*) Girbaud wallet

(*) P1,000 cash

(*) 2 ATM cards, 4 credit cards

(*) IDs: UPLB ID, Phil Health Card, Intelicare

(*) Loyalty cards: Suki Card, SM Advantage, Laking National Card, Netopia, Body Shop Loyalty Card, Miles

(*) Discount Card sa motel

motelhttp://kokeymonster.wordpress.com/2009/01/14/im-lovin-it/

Hay. Sayang ang discount card sa motel, di ko man lang nagamit. :D Kaya, good luck talaga sa nagnakaw ng wallet ko. Sana mag-enjoy ka.

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Advertisements