Alam mo ang paranoid?

Alam mo ang paranoid? Yung adik maghugas ng kamay o mag-spray ng alcohol pagkagaling sa CR, pagkahawak sa mamasamasang handle sa MRT, pagkawidraw sa ATM, o pagkatapos makasabay ng foreigner sa elevator.

Alam mo ang paranoid? Yung umiinom ng Ascorbic Acid (500 mg) dalawang beses sa isang araw, dahil naniniwalang makakatulong ito para maiwasan ang A(H1N1).

Alam mo ang paranoid? Yung ini-impose na gawin din ng boyfriend nya yung mga nabanggit sa itaas.

Alam mo ang paranoid? Yung kinabahan nung marinig ang balitang may cases na ng A(H1N1) sa UP Diliman, kahit hindi sya dun nag-aral. Lalong kinabahan ng may narinig na A(H1N1) sa Makati area. Umiiwas ding pumasyal sa Mega Mall at South Mall.

Alam mo ang paranoid? Yung umiiwas sa lahat ng makitang foreigner kahit alam nyang matagal na sila sa Pinas.

Alam mo ang paranoid? Yung naniniwala sa ganitong forwarded email na galing kay Dec.

Information: New Release: Side effects of swine flu

swine

Don’t let this happen to you

Wash your hands!!!!!!

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Advertisements