The internet is for porn.

Isa sa paborito kong soundtrack sa Avenue Q at ang pinakamagandang pamana sa akin ni Wowie ay ang “The Internet is For Porn”. Kung hindi nyo pa alam ang Avenue Q, laging tandaan na makapangyarihan ang Google.

Ayon sa aking research naimbento talaga ang internet ng United States Department of Defense para gamit pangkomunikasyon. Muntik na akong makatulog habang binabasa ang article kaya link na lang ang ilalagay ko.

Pero kahit na. Alam kong sasang-ayon kay Trekkie Monster ang kahit sinong internet user na pinaka-busy at pinakamabenta pa din ang mga porn sites. Ayos na negosyo nga naman ang paggamit sa internet para sa pornograpiya at pagsusugal. Madali, mabilis, mura, mahirap mausisa ng gobyerno, san ka pa?

the-internet-is-for-pornhttp://jimfairthorne.files.wordpress.com/2009/01/the-internet-is-for-porn.jpg
Sa pananaw ko lang naman, mas may tiwala ako sa mga porn sites. At least they are honest. Kung pupumunta ka sa iyong paboritong porn site, bibigyan ka ng porn, hindi ka bebentahan ng gamot sa kurikong. Hindi katulad ng ibang nagmamalinis na site na bebentahan ka ng walang kwentang ideya. Katulad nito.
May magsasabing depende sa paggamit mo ng internet. Kung trip mong mag-surf sa internet para sa porn, then, it is for porn. Kung tatanungin nyo naman ako malaki nga ang nagagawa ng internet sa aking pang-araw-araw na trabaho. Lahat ng gusto kong malaman o hindi naiintindihan ay sandali lang nahahagilap o naipapaliwanag. Kaya siguro nga’y depende sa paggamit mo ng internet. Siguro, pero sigurado?
Ayon sa Nielsen Media Research “Pinoy Internet users are young, single, educated. Filipinos between 10 to 19 years are the top users of the Internet.” Sa ibang salita ang groupong ito ay ang mga nasa rurok ng kalibugan na hindi maguukol ng madaming oras para magbasa lang ng balita sa Inquirer.net.
Para mapatunayan ang aking punto, nagsearch ako sa Google ng salitang porn, science, religion at internet. Naniniwala akong pinakamadaming maitatala ang salitang porn kesa sa iba. Eto ang reulta:

Sa pananaw ko lang naman, mas may tiwala ako sa mga porn sites. At least they are honest. Kung pupumunta ka sa iyong paboritong porn site, bibigyan ka ng porn, hindi ka bebentahan ng gamot sa kurikong. Hindi katulad ng ibang nagmamalinis na site na bebentahan ka ng walang kwentang ideya. Katulad nito.

May magsasabing depende sa paggamit mo ng internet. Kung trip mong mag-surf sa internet para sa porn, then, it is for porn. Kung tatanungin nyo naman ako malaki nga ang nagagawa ng internet sa aking pang-araw-araw na trabaho. Lahat ng gusto kong malaman o hindi naiintindihan ay sandali lang nahahagilap o naipapaliwanag. Kaya siguro nga’y depende sa paggamit mo ng internet. Siguro, pero sigurado?

Ayon sa Nielsen Media Research:

“Pinoy Internet users are young, single, educated. Filipinos between 10 to 19 years are the top users of the Internet.”

Sa ibang salita ang groupong ito ay ang mga nasa rurok ng kalibugan na hindi maguukol ng madaming oras para magbasa lang ng balita sa Inquirer.net.

Para mapatunayan ang aking punto, nagsearch ako sa Google ng salitang porn, science, religion at internet. Naniniwala akong pinakamadaming maitatala ang salitang porn kesa sa iba. Eto ang reulta:

Resulta sa halos 237,000,000 para sa porn . (0.16 segundo) 

Resulta sa halos 1,010,000,000 para sa science . (0.16 segundo) 

Resulta sa halos 393,000,000 para sa religion . (0.24 segundo) 

Resulta sa halos 1,890,000,000 para sa internet . (0.23 segundo)

Ok, payn. Mali ako. Pero naniniwala pa din ako kay Trekkie Monster.

At pwe! Hindi makapangyarihan ang Google!

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Advertisements