Ikaw na lang… Mismo.

Babala: Kung meron ka ng dog tag ng Ako Mismo, mas makabubuting huwag mo na itong basahin.
Nakatawag din ng atensyon ko ang Ako Mismo ad noong Pacquio-Hatton match. Pustahan dun mo din ito unang nakita. Mas maganda kasing panoorin kesa sa Bulldog, Alaxan, Revicon, EPoxy, Darlington, Thuderbird Feeds, Red Bull, atbp. Maganda din tactic ng Ako Mismo dahil Sila Mismo ang mas natandaan ng tao. Bukod kasi sa mga high profile na taong nag-ad para sa kanila, maganda din naman talaga ang hangarin. Minsan ko lang naisip na may maganda silang hangarin, hindi na uli naulit.
Ano yun? Kailangan mag-sign up at bumili ng dog tag? Tapos? Hindi ka magiging tunay na Pinoy dahil lang sa pagsusuot ng dog tag o pag post ng pledges o pag suot ng Ninoy shirt. Wala na talaga akong nakikitang signipikong magagawa nito bukod sa in ka.

Babala: Kung meron kang dog tag ng Ako Mismo, para sa kaligtasan nating dalawa, mas makabubuting huwag mo na itong basahin.

Nakatawag ng atensyon ko ang Ako Mismo ad noong Pacquiao-Hatton match. Pustahan dun mo din ito unang nakita. Mas maganda kasing panoorin kesa sa Bulldog, Alaxan, Revicon, EPoxy, Darlington, Thuderbird Feeds, Red Bull, atbp. Maganda din tactic ng Ako Mismo dahil Sila Mismo ang mas natandaan ng tao. Bukod kasi sa mga high profile na taong nag-ad para sa kanila, maganda din naman talaga ang hangarin. Minsan ko lang naisip na may maganda silang hangarin, hindi na uli naulit.

globe-tattoo ako mismo

Bakit kaya halos magkapareho ang Globe Broadband at Ako Mismo dog tag? Ewan.

Ano yun? Kailangan mag-sign up at bumili ng dog tag? Tapos? Hindi ka makakatulong sa pagbabago dahil lang sa pagsusuot ng fashionable dog tag. Hindi ka magiging tunay na Pinoy dahil lang pag post ng pledges o pag suot ng Ninoy shirt. Wala na talaga akong nakikitang signipikong magagawa nito bukod sa in ka.

PANATANG MAKABAYAN
Iniibig ko ang Pilipinas
Ito ang aking lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
Ako’y kanyang kinukupkop at tinutulungan
Upang maging malakas, maligaya at kapakipakinabang
Bilang ganti, diringgin ko ang payo ng aking mga magulang
Susundin ko ang mga tuntunin ng aking paaralan
Tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makabayan at masunurin sa batas
Paglilingkuran ko ang aking bayan nang walang pag-iimbot at ng buong katapatan
Sisikapin kong maging isang tunay na pilipino
sa isip, sa salita, at sa gawa.

Wala namang sinasabing “mag-si-sign up sa akomismo.org, bibili ng dog tag at isusuot ito araw-araw”.

ako mismo

Isasaisip at isasagawa ko na lang ang Panatang Makabayan. Libre pa.

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Bookmark Ikaw na lang Mismo

Advertisements