Sandali Lang (Wait Lang)

Minsan lang makapagsulat ng blog kapag emo. At dahil uso, tingnan natin ang epekto.

Minsan sa isang inuman may nakapagsabi sa isang kaibigan na mahirap magkaroon ng relasyon sa isang Statistician. Siguro nga’y tama yun.

Let me count the ways.

Fascinated akong malaman ang lahat (as in lahat) katulad ng fascination ko sa Greek alphabet. Noon kasing estudyante ako, dapat alam ko lahat ng Greek letters. May ibig sabihin ang bawat lambda, mu, alpha, beta. Alam ko din dapat ang kanilang formula, transformation, distribution, limit at function, kung sa papaanong dapat ko din malaman ang saan, kailan, hanggang saan, hanggang kailan, papaano, bakit.

Madami akong kwento hindi maintindihan at minsan/kadalasan ay pabagobago, mahaba at magulo katulad ng mga pangalang Bonferonni, Tchebycheff, Schatzoff, Hotelling, Kolmogorov and Godambe na pwede namang pasimplehin katulad ng Smith, Brown, or Johnson.

We never have to say we are certain. Laging pwedeng may error ang lahat ng sinasabi ko dahil kahit kailan safe na sabihin na we are just 95% confident. Nalulusutan ko lagi ang mga pagkakamali ko at ikaw pa ang napagdududahan ko. Yes, very bias. Katulad ng mga estimator na efficient, robust and consistent (read: paulit ulit ulit ulit).

Excited akong nakakakita ng trend dahil sa forecasting mas maganda kung may trend ang data. Kung papaanong hinuhulaan ko ang mga susunod mong gagawin, kahit na alam kong binabago mo ang trend.

Lahat ng kasalanan mo alam ko, bilang ko. Pwede kong gawan ng database para kung maiisipan kong mag-data mining magagawan ko ng magandang analysis.

outlier

Last (but definitely not the least!), mahilig akong mag-assume. Alam mo ba ang buong kurso ng Statistics is based all on assumption? Ipagpipilitan kong tama kasi yun ang result ng mga tests, pero kung in the first place na mali ang assumption ko mali talaga yung test at kaya mali ang result.

Alam kong kasalanan ko. Ako ang may kasalanan. Ang may kasalanan ay ako. Naihahalo ang propesyunal at personal kong buhay.

Ako ang nag-inarte. (Kahit hindi naman kasi ako nag-ComArts)

Ako ang nagalit. (Fascinated din ako sa Mean)

Ako ang nagpalaki ng maliit na problema. (Statistical Projection, from small sample)

Ako ang tanga. (nag-assume)

Ako ang nag-stalk. (nag-research)

Ako ang nagtampo.

Ako ang unfair. (Biased)

Ako ang laging nagdududa. (Assumptionista)

Ako ang laging nanghuhuli.

Ako ang mahina. (Weak Statistical Convergence)

Ako ang laging handang sumuko.

Parang tanga lang at ako pa ang nagkakaganito, ang nagpapaka-emo. Alam ko naman na mali ako.

Sandali lang. Minsan ako naman ang mag..

sorry-cover

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Bookmark Sandali Lang Wait Lang

Advertisements