“Meet the Parents” Thingy is NOT My Thingy

Dahil alam kong madaming magpapa-kwento.. pwedeng i-blog ko na lang?

Alam ito ng mga malalapit sa akin, iniiwasan ko ang “Meet the Parents” ebent. Bakit? Hindi ko din talaga maipaliwanag. Kailangan pang magtampo ni Mark dahil kailangan pa akong pilitin para sumunod sa kanya sa Baguio. Paano ko ba maipapaliwanag sa kanya na “It’s not HIM, it’s ME” kung kahit sa sarili ko ay hindi ko din maipaliwanag? Kung mayroong “Meet the Parents” phobia, siguro eto na yun.

plurk conversation with Roi

Yan ang eksena ko noong nakaraang Biyernes bago umakyat ng Baguio. Panic Mode. Halos lahat ng kaibigan ko (na online), nahingan ko ng payo, napagtanungan ng gagawin.

Huwag kabahan. Sorry, di ko nagawa, kinakabahan talaga ako.

Be yourself. Kabado ako sa mga ganitong eksena, I’m myself.

Huwag bastos. Ok payn.

Huwag masyadong uminom at magpakalasing. Sorry, hindi ko naiwasan.

Answer when asked. Ibig sabihin ba nito huwag masyadong madaldal? Kung ganun nga, sorry din.

Maging magalang. Natural lang. Normal lang. Just go with the flow. Reggae reggae lang. Yada. Yada. Yada.

Cool nga ang magulang ni Mark. Wala akong masasabing hindi maganda. Simple lang ang buhay, pero rock! Tinanggap nila ako bilang ako. May ilang personal na tanong, sana nasagot ko naman ng maayos. Nakikisama sa kanilang mga anak, ngunit mararamdaman mo din ang kanilang pagiging disciplinarian.

Namana ng magkakapatid ang ka-cool-lan ng kanilang mga magulang. Magaling makisama, noong umuwi ako, parang umaalis din ako sa bahay ng isang kamag-anak.

John. Kwarto nya yata yung ininvade ko. Sana sa uulitin?
Lloyd. Kwarto nya yata yung ininvade ko. Sana sa uulitin?

Mas madaming tanong ang mga kaibigan ni Mark. At hindi lang basta tanong, mabibigat at matitinding tanong, yung tipong napapaisip ako ng “What? Is that question for real? Tama ba ang naririnig kong tanong?” kasi hindi ko masagot. Kailangan ko pang pag-isipan ng mabuti ang tanong para mabola mapagisipan ko din ng mabuti ang sagot. Tama nga ang sabi na mas kabahan ako sa mga kaibigan. Sana nasagot ko din ng maayos ang mga tanong nila. Siguro, sa mga susunod naming pagkikita, gagantihan ko din sila ng mga tanong. Whhhaaaattta!

Eugene. aka Karding Sungkit. Hindi ko natanong kung bakit "Sungkit" kahit kating kati na akong tanungin, sabi nyo kasi wag munang bastos.
Eugene. aka Karding Sungkit. Hindi ko natanong kung bakit "Sungkit" kahit kating kati na akong magtanong, sabi nyo kasi wag munang bastos.
Elvis. Pasalamat syang lasing ako noong nagkausap kami, kalahati lang tuloy ang natatandaan ko.
Elvis. Pasalamat syang lasing ako noong nagkakwentuhan kami, kalahati lang tuloy ang natatandaan ko.
Baldo. aka Boy Abunda. Dinaig ako sa tindi ng mga tanong.
Baldo. aka Boy Abunda. Dinaig ako sa tindi ng mga tanong.
Ming-ming. Spoiled cat. May sarili syang kwarto, seryoso!
Ming-ming. Spoiled cat. May sarili syang kwarto, seryoso!
Naaliw lang ako dito. A tribute to Cory Aquino...?
Naaliw lang ako dito. A tribute to Cory Aquino...?

Ang kukulit di ba? Na-astigan ako sa kanila. Akala ko magkakamag-anak sila, pero turing pamilya lang talaga ang samahan nila.

Pumunta akong bumabagyo sa Baguio, pero umuwing payapa na ang panahon. Katulad ng buhay, minsan dumadating na parang hindi natin kayang pagdaanan ang mga pagsubok. Pero madalas, drama mo lang yun, kakayanin naman pala.

I’m scared, but I’m strong. – Maanpenny Gonzales

_____________________

Sa lahat ng nagreply sa PM ko, nagreply sa Plurk ko, nagreply sa text ko… Maraming Salamat! Sa ibang nang-asar lang, mga tae kayo! Lalo nyo lang akong pinakaba. Alam nyo kung sino kayo, at alam kong hindi nyo mamasamain ito. Hahaha!

At oo, wala akong picture na pinost, sinadya ko talaga yun.

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Bookmark Meet the Parents Thingy is NOT My Thingy

Advertisements