May araw din kayo.

May araw din kayo – INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos

Shared via AddThis

Ang pinakamahirap gisingin ay ’yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay ’yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay ’yung nagmamaangmaangan.

Sabi mo, Cerge Remonde, alangan naman pakanin ng hotdog ang amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian €yon. At public service nga yon, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso n€™ya. Kung meron man s€™yang dugo, kung meron man s€™yang puso.

Sabi mo, Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong pisong dinala ng amo mo sa bansa.

Ay kayo lang naman ang nagsasabing may inambag ang amo n’yo na bilyong-bilyong piso sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang namin ay yung bilyon-bilyong piso—o borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalos—na inaswang ng amo n’yo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi n’ya sagutin ito. Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw?

Basahin ang buong artikulo dito. Naniniwala akong kumain ng limpak limpak sa New York si Arroyo at ang kanyang mga taga bitbit ng maleta. Sa dami ng OFW na nagkalat sa mundo, malamang isa dun ang kumuha ng order nila. Hello? Dapat alam nila yun.

http://farm4.static.flickr.com/3471/3799072354_5bd8cdaed1.jpg
http://farm4.static.flickr.com/3471/3799072354_5bd8cdaed1.jpg

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Bookmark May araw din kayo.

Advertisements