Malaysia Invasion

Dear Richard and Leya,

Bago ang kalokohan, gusto ko munang magpasalamat ng uber sa inyong dalawa, kina Clark, Didith, JP at Sam. From now on, I will see guys the same way as JP sees them, which is with utmost respect. Syempre, tayo lang ang magkakaintindihan nito. Haha.

Alam nyo ba na ang lakas talaga ng loob namin ni Roi? Biruin mo hindi kami nagparamdam bago kami pumunta sa Kuala Lumpur? Kasi alam namin na hindi nyo kami pababayaan. Pagdating namin sa bahay nyo, dumiretso pa din tayo sa Petronas Tower kahit pagod, puyat at late na. Astig! Buti na lang tinuloy natin.

Petronas Tower

Petronas Tower

Suria Mall KLCC. Mall sa ilalim ng Petronas Tower.

Suria Mall KLCC. Mall sa ilalim ng Petronas Tower.

Likod ng Petronas Tower. May mahilig sa amin sa likod. Hahaha!

Likod ng Petronas Tower. May mahilig sa amin sa likod. Hahaha!

Ayos din ang instruction nyo papunta sa Genting Highlands. Sakay ng train. Sakay ng bus. Sakay ng cable car. Pagkatapos Genting na. Salamat din sa warning na malamig sa Genting, kasi hindi naman pala kayo nag-ti-trip lang, malamig nga.

Cable Car papuntang Genting Highlands. Mahamog, malamig, malalalim ang bangin. Parang nasa horror movie.

Cable Car papuntang Genting Highlands. Mahamog, malamig, malalalim ang bangin. Parang nasa horror movie.

Genting, City of Entertainment. Sa tuktok ng bundok tinayuan nila ng Hotel, Casino, Showroom, Mall at syempre Theme Park.

Genting, City of Entertainment. Sa tuktok ng bundok tinayuan nila ng Hotel, Casino, Showroom, Mall at syempre Theme Park.

Alam nyo ba na hindi ko talaga trip ang theme park? Mabilis kasi akong mahilo at malakas ang kaba ko sa mga rides. Ang totoo, mas gusto kong pumunta ng Batu Cave kesa Genting. Pero mapilit si Roi, at alam nyo ang pampilit nya? Ang Batu Cave daw ay parang Grotto lang sa Baguio. Alam kasi nyang kahit ilang beses na akong pumunta sa Baguio, hindi ako nag-effort umakyat ng Grotto.

Spinner, nagpapanggap na katulad ng Flying Fiesta.

Spinner, nagpapanggap na katulad ng Flying Fiesta.

Naalala ko uli ang feeling habang nakasakay sa Spinner, parang hinahagis akong parang yo-yo. Mukhang simpleng ride, pero hindi lang parang Flying Fiesta! Hindi pa natatapos ang sigaw ko, gusto ko na sumigaw uli. Pagkatapos magset ng mood, napasakay pa ako ni Roi sa ilang rides. Buti na lang pinagbibigyan nya ako kapag alam nyang hindi ko kaya. Salamat naman Roi!

Kung saan saan ako napasakay sa Genting, eto lang naman pinangarap kong sakyan.

Kung saan saan ako napasakay sa Genting, eto lang naman pinangarap kong sakyan.

Leya, tanda mo yung tindahan ng mga dilis na may flavor, candies, dried fruits at gummy bear? Pinuntahan din Hinanap namin yun. At nag-enjoy din kaming tumikim ng lahat ng produkto nila pero hindi kami bumili. Buti na lang nasa Malaysia ang tindahan na yun, kung nasa Pinas yun matagal na yung nalugi.

Richard, Leya, salamat sa pagpapatikim sa amin ng iba’t ibang klaseng pagkain. Malay, Indian, Thai, etc. Pasensya na, karamihan ay nakalimutan ko na ang pangalan. Food trip kung food trip. Lalo na yung dine out natin sa Meng Tien, di ko makakalimutan. Masasabi ko talagang nasira ang diet ko.

Ming Tien. Nasira ang diet ko dito.

Ming Tien. Nasira ang diet ko dito.

Noong sumunod na araw sa Sunway Lagoon naman tayo nagkalat ng lagim. At dahil kasama na kayo, hindi na ako nakatanggi sa iba pang rides. Pressure. Hindi naman nakakapagsisi na minsan maramdaman kong parang mamamatay na ako. Joke! Nag-enjoy din ako, kasi minsan lang din akong sumakay sa rides. Iba na kasi ang trip kong sakyan ngayon.

Hindi ko alam kung bakit may napakalaking X.

Hindi ko alam kung bakit may napakalaking X.

Hindi ko din alam kung bakit natripan natin magpa-picture sa likod ng bakod.

Hindi ko din alam kung bakit natripan natin magpa-picture sa likod ng bakod.

Grand Canyon River Rapids

Grand Canyon River Rapids

Yieee! Nasakyan natin lahat yan. Panis!

Yieee! Nasakyan natin lahat yan. Panis!

Mas nag-enjoy ako sa mga rides sa Water Park. Na-try natin lahat ng pwedeng sakyan, kahit mahahaba ang pila. At bukod sa mga naka-trunks na lalake, eto din ang pagkakataong makaganti sa inyo. Hahaha! I promised that I will never post these pictures. I lied. Hahaha!

Richard. Single, very much available. =)

Richard. Single, very much available. =)

Ayaw ko na magbanggit ng pangalan. Kilala nyo naman kung sino sila. SOCO!

Ayaw ko na magbanggit ng pangalan. Kilala nyo naman kung sino sila. SOCO!

Note: Bukod sa mga picture sa itaas, meron pa silang dance video na mas malala pa sa sex scandal ni Hayden Kho. Please email me for more details.

Dahil hindi mapigilin ang ating pagiging makukulit, hindi pinatawad ang mga walang kamalay-malay na mga hayop. Hayup!

Harap ng Sunway Hotel. Tayo lang ang nagpapa-picture dito. Bakit ba?

Harap ng Sunway Hotel. Tayo lang ang nagpapa-picture dito. Bakit ba?

Sunway Mall

Sunway Mall

Kuala Lumpur City Tour naman tayo noong huling araw namin sa Malaysia, ang pinakamatindi sa lahat. Salamat sa pagsama sa amin, Richard at Leya. Kung wala kayo malamang naligaw kami.

Sakay ng Hop On Hop Off Bus, nilibot namin ang Kuala Lumpur. Isang bagsak sa isang matinding byahe!

Sakay ng Hop On Hop Off Bus, nilibot namin ang Kuala Lumpur. Isang bagsak sa isang matinding byahe!

Kuala Lumpur Butterfly Park

Kuala Lumpur Butterfly Park

K. L. Bird Park, The World's Largest Covered Bird Park

K. L. Bird Park, The World's Largest Covered Bird Park

K. L. Tower, 4th World Tallest Tower

K. L. Tower, 4th Worlds Tallest Tower

Hindi ko talaga alam kung bakit kahit sa huling stop natin sa Central Market ay napaglaruan pa din natin ang ating sarili. Nagpakain lang naman tayo sa mga isda sa halagang RM5 sa loob ng 10 minuto. Yes, ang isda ang kumain sa amin, kami din ang nagbayad dahil kinain kami. Hindi pala masayang magpakain.

Kinakain ng mga isda ang mga dead cells sa paa. Kinakain din kaya nila ang mga isdang kapag busog na? Yuck!

Kinakain ng mga isda ang mga dead cells sa paa. Kinakain din kaya nila ang mga isda kapag busog na? Yuck!

Haayy.. nakakalungkot naman dahil parang napakablis ng araw. Nandito na uli ako sa office at nagtatrabaho. Na-mi-miss ko ang mga pasyal, kulitan, kwentuhan, bloopers. Kulang ang isang blog para pasalamatan kayong dalawa. Baka sa isang linggo gumawa uli ako.

Maraming Salamat Richard at Leya! Keluarrrr….

Lubos na nagmamahal,

Salbehe

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Bookmark Malaysia Invasion

Advertisements