Nakaw na Tula

Isang tulang dating isinulat sa isang paskilan sa New CAS, UPLB.

‘Di sapat ang condom na puno ng tamod,

o ang panting may bahid ng dugo,

o sertipikasyon na hindi pagiging puta,

..kung ang mata’y nakapikit at puki’y nakabukas;

kahit hukom na uugod-ugod,

tirik ang mata; tigas ang tuhod.

Galing dito ang tula (ninakaw ko din lang).

Iba talaga ang mga taga-Elbi. Damang dama ang nag-aalab na damdamin. I-re-relate ko ito sa pag-ibig sa seryosong paraan. Gow Salbehe! Kaya ko ito.

Sa akin, simple lang naman ang ibig sabihin ng tula sa itaas: Ang pag-ibig ay pagsasakripisyo.

Ang pag-ibig ang magbubukas ng ating mga puki mata, hindi para ito isara. Minsan may mga bagay na ayaw mong gawin o hindi bukal sa loob mo, ngunit kailangan mong gawin, hindi dahil sa gusto, kundi dahil ito ang dapat. Minsan hahayaan mong masaktan ka para lang sa taong mahal mo. (Emo mode, alam ko maraming makakarelate)

 Nakaw na paskil sa Genting Highlands Theme Park.
Nakaw na paskil sa Genting Highlands Theme Park.

Walang pag-ibig kung walang sakripisyo. At syempre, ang sakripisyo ay nabubuhay sa iba’t-ibang anyo. Hindi para tayo ang humusga kung ano ang tama o mali. Kailangan ng sakripisyo – kung may kailangang bitawan, kung yoon ang tanging paraan, ang tanging nagbibigay ng pag-asa, siyempre, pag-ibig.

Hehe, nalusutan ko ba? Naging seryoso ba ang bastos na tula? Hindi naman talaga bastos nasa nagbabasa lang yan.

_____________________

Ang blog na ito ay para sana sa pa-contest sa Monz Avenue. Kaya lang ang daming kemerlu para sumali, kaya tinamad na ako. Naisip ko din na hindi naman ako nag-ba-blog para sumali ng contest. Pasensya na lang.

Love can’t kill, but it’s worth the sacrifice.

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Bookmark Nakaw na Tula

Advertisements