Ba Be Bi Bo Buuuuuuu

Tanda mo ba si Manang Bola ng Batibot? Kung hindi, kawawa ka naman. Kung isa kang katulad kong fan ng Batibot, sigurado akong napapangiti ka dahil naalala mo ang panahon na inaliw ka ni Manang Bola. Oo kilala ko sya, pero sikreto lang ha? Ang alam kasi ni Mark sina Bubbles, Blossoms at Butterscotch na ang naabutan ko. Feelingera.

Hay Batibot. Programang ang layunin ay magturo ng mga mabubuting asal at araling pambata sa pamamagitan ng mga kwento, sayaw at kanta. Madaming nakakawiling karakter, pero ang pinakamalakas sa akin si Manang Bola. Siya ang ulyaning manghuhula na laging kinikunsulta ang kanyang mahiwagang bola, ang kanyang perlas na bilog. Laging sambit ang “Perlas na bilog, huwag tutulog-tulog; sabihin kaagad sa akin ang sagot, Ba-Be-Bi-Bo-Bu”. (Bakit hindi Ka-Ke-Ki-Ko-Ku o Ta-Ti-Te-To-Tu?)

Si Manang Bola at ng kanyang Perlas.
Si Manang Bola at ng kanyang Perlas.

Manghuhula si Manang Bola di ba? Pero hindi talaga sya nanghuhula. Gamit ang kanyang perlas na bilog, tinutulungan nya ang mga bata at (minsan) bisita na sagutin ang mga kanilang tanong. Hindi naman talaga sya sumasagot kasi malilimutin sya. Ang mga bata mismo ang nakakasagot ng kanilang sariling tanong, pang-aliw (o panggulo?) lang si Manang Bola. Katulad ko, boladas lang ang alam ko.

"Hello? Pinaniniwalaan mo ako?"
"Hello? Pinaniniwalaan mo ako?"

Magpasahanggang ngayon interesante pa din sa akin ang bola at perlas at batibot na binibigyan ko ng mas bastos malalim na kahulugan:

  • Ok lang magpatulog tulog paminsanminsan. Ang mahalaga, bumabawi.
  • Walang tamang sagot.
  • Hindi lahat ng bilog ay perlas lalo ng hindi lahat ng perlas ay bilog. (evilgrin)

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Bookmark Ba Be Bi Bo Buuuuuuu

Advertisements