10 Things I Love About Baguio City

Ngayon ay ika-sandaang taon pagdiriwang ng Bagiuo City, kaya naisipan ko ang post na ito. Ano nga ba ang nagustuhan ko sa Baguio at binabalik-balikan ko? Sa katunayan, lampas ng sampu, pero eto na lang muna.

The winding road amid pine scented mountains/ sunflowers golden like the foggy hills/ the cobweb of a cold February morning/ jeweled dragonflies overflowing springs.

– I Miss the Old Baguio

10. Climate. Bukod sa Elbi, isa ito sa lugar kung saan masarap maglakad dahil hindi nakakapagod. Walang pawis na tatagaktak sa iyo dahil malamig. Syempre mas masarap magapagulonggulong sa kama kesa maglakad.

Mines View. Tipical na panahon sa Baguio, mahamog, maulap, makulimlim.

Mines View. Pangkaraniwang panahon sa Baguio, mahamog, maulap, makulimlim.

9. Inuman Session. Dahil malamig nga, masarap din uminom. Alam mo yun di ba? Iilang bar pa lang ang napasok ko sa Baguio, ngunit sa lahat ng yoon, lahat ng tao mababait, ewan ba, kahit lasing. Tamang trip lang. Halos lahat din ng bar ay may tumutugtog, banda man o solohista.

8. Cheap Rooms. Kung hindi ka maselan, makakahanap ka ng murang transient room sa halagang P200 per day. O ha? Kung sa Manila ito, yung P200 mo tatlong oras lang.

7. Session Road. Ang main street ng Baguio kung saan matatagpuan mo lahat ng hinahanap mo. Resto, Bar, Mall, Coffe Shop, accessories, magazine, CD, DVD, babae/lalake. Kung pumunta ka sa Baguio at hindi ka nakadaan dito, luge ka. Kailangan mong bumalik para masulit ang Baguio experience.

6. SM Baguio. Akala ko dati parepareho lang ang lahat ng SM sa buong Pilipinas. Alam kong nagkamali ako noong napuntahan ko sa SM Baguio. Saludo ako sa nag-design, ginawa nyang halos lahat ng floor ay may View Deck kung saan makikita ang Session Road, Baguio Cathedral at mga nakapaligid dito. Mura din ang bayad sa sinehan.

5. Attractions. Madaming pwedeng puntahan, madaming pwedeng gawin. Ilan sa mga paborito ko (ako nagpicture nyan lahat):

Wright Park

Wright Park

The Mansion

The Mansion

Bell Ampitheater, Camp John Hay

Bell Ampitheater, Camp John Hay

Burnham Park

Burnham Park

4. Food. Food trip kung food trip, mapadaan ka lang sa Session road o sa Burnham Park o sa may overpass. Madami ding matutuklasang kakaibang pagkain katulad nung masarap na bilog-bilog (sorry nakalimutan ko ang pangalan) sa isang stall sa Porta Vaga. At nasubukan mo na bang bumili sa Chowking (Baguio branch) ng Chicken Noodles? Anong napansin mo? Oo, mas madaming petsay.

3. Baguio Public Market. Malinis, mura ang bilihin, kumpleto (mula strawberry hanngang walis) at aircon. Joke! Malamig lang talaga kaya feeling ko naka-aircon ang buong palengke.

Public Market. Mitch, Madz, Rem at Aling Tindera. Fresh na fresh.

Public Market. Mitch, Madz, Rem at Aling Tindera. Fresh na fresh.

2. Taxi. Kung nakasakay ka na ng taxi na may driver na totoong sweet lover, mabait, sumusunod sa lahat ng batas trapiko, magalang sa mga pasahero, ayos magpatakbo at nagbabalik ng eksaktong sulki, pusta ko wala ka sa Metro Manila.

1. Mark Elmer Rojo. Need I say more?

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Bookmark 10 Things I Love About Baguio City

Advertisements