Kalan

as in kalandian.

Isa sa mga perks ng pagiging babae ay okay lang may kalandian. Hindi kalandian na sinasabi ni Bob Ong (Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din.), kundi yung kalandian na makikita sa kikay kit.

Kung katulad mo akong ayaw magpapahalatang may kalandian din ng konti sa katawan, at talaga namang nag-eksperimento kung anong ilalagay na kolerete sa mukha na hindi nagmumukhang naglalagay ng kolerete sa mukha, pwes baka magustuhan nyo din ang mga ito:

Lip and Cheek Tint, The Body Shop

Lip and Cheek Tint, The Body Shop

Dating pinapahid ko sa pisngi para laging mukhang galing Baguio. Pero may kamahalan (P700++), sa katunayan kinakalimutan ko na kung magkano ko ito binibili kasi hindi ko talaga masikmura na bumibili ako nito para lang ipahid sa pisngi.

One Touch Blusher (Rosy Pink), Elianto

One Touch Blusher (Rosy Pink), Elianto

Dahil nga sa mahal ang Lip and Cheek Tint, hinanap pinalit ko ito. Bukod sa mas madaling ilagay, uber mas mura pa. Pareho lang din ang result (parang galing lagi sa Baguio) pero mas madaling mawala. Kaya madalas minsan kapag pumupunta ako sa mall dumadaan ako sa Elianto booth para maglagay ng libreng blush on.

Petroleum Jelly

Petroleum Jelly

Kapag ginagamit ko ang Lip and Cheek Tint sa labi ko, nag-da-dry. Dry naman talaga ang lips ko, pero lalong nag-da-dry. Kaya bago lagyan ng kolerete, nilalagyan ko muna ng moisturizer. Eto rin ang ginagamit ko sa dry kong paa. Wala pa naman nagrereklamo.

Lip Moisturizer SPF 15, Neutrogena

Lip Moisturizer SPF 15, Neutrogena

Pang emergency. Yun bang nasa lakad ka, tapos kailangan ng instant lip moisturizer. Mura lang ito, bigay lang kasi ng tatay ko. (Oo, may supply nito ang tatay ko. )

Powdered Blotting Paper, Silk Secrets

Powdered Blotting Paper, Silk Secrets

Pang emergency din. Ang maganda dito, oil control sheet na may powder. Two in one.

Ang resulta? Tan-ta-na-nan!

Salbehe attains the perfect look by using Lip and Cheek Tint, The Body Shop and Lip Moisturizer, Neutrogena. Photo taken by Richard Lim.

Salbehe attains the perfect look by using Lip and Cheek Tint, The Body Shop and Lip Moisturizer, Neutrogena. Photo taken by Richard Lim.

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Bookmark Kalan

Advertisements