Gibo Who?

Maniwala ka o hindi, kapag nag-search ka ng salitang Gibo sa Wikipedia, ang unang nasa listahan nito ay ang Gibo: Stepmother’s Sin. Isang adult game/hentai game na pinagbibidahan ng collge student (si Gibo) na nakitang nakikipagsex ang kanyang nanay sa ibang lalake.

Gibo

Gibo

Seryoso, i-try mo pa. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ang biological mother nya ang nakikipagsex pero “Stepmother’s Sin” ang nasa title?

Maniwala ka din o hindi, hindi tungkol sa hentai game ang sine-search ko kundi ang napiling kandidato sa pagkapangulo ng Lakas-Kampi. Noong isang linggo ko lang kasi sya nabalitaan at dahil walang wala akong alam sa kanya, inakala ko pang nuisance candidate sya katulad ni Father Ed Panlilio.

Gilberto Eduardo Gerardo “Gilbert”/”Gibo” Cojuangco Teodoro Jr., ang tunay na pangalan (whew!). Ikabit pa sa kanyang asawa na si Monica Prieto-Teodoro, may tatay na dating administrator ng Social Security System, nanay na dating member ng Batasang Pambasa, pamangkin ni Eduardo Cojuangco, Jr. na chairman ng San Miguel Corporation at tumatakbo sa ilalim ng administration. Ala eh, tama lang na nasa Lakas-Kampi si Gibo dahil totoo nga namang ang lalakas ng mga kakampi nya.

Noong March 2009 pa pala nya sinabi na gusto nyang maging pangulo mabagal lang talaga ako sa balita. Hinangaan sya ng madami dahil mayroon syang malakas na paninindigan sa kanyang mga pinaniniwalaan at mayroong kompeiyansya sa kanyang sarili at sa kanyang kakayanan. Hinangaan ko naman sya dahil sa kanyang education, family and most specially his political backer background.

Gibo..

  • Favors the Reproductive Health bill.
  • Categorically stated he wants Charter change with a unicameral legislature but a nationally elected president.
  • Prefers elimination of the anti-dynasty provision in the Charter
  • Prefers limited coverage for the courts when it comes to business matters
  • Prefers a military solution to rebellion and banditry in Mindanao, and close ties with America in that regard.
  • Announced that the prosecution of officials for corruption will NOT be his priority.

Galing dito.

Kung magkaroon ng magic at maging presidente si Gibo ay parang hindi din pala tayo nagpalit ng presidente.

During Gibo’s tenure as Defense Secretary, he appeared in a cameo role as himself in the soap opera Tayong Dalawa. – Wikipedia

Hindi nga? Kapag hindi nagbrownout sa eleksyon may fallback career na si Gibo.

Gibo with his wife Monica. Whow! Not bad for a First Lady. Pwede din mag-artista kung sakali.

Gibo with his wife Monica. Whow! Not bad for a First Lady. Pwede din mag-artista kung sakali.

The problem with political jokes is they get elected.  – The Professional Heckler

_____________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Bookmark Gibo Who

Advertisements