Winner! (Hindi si Yaya at Angelina)

Kung samali ka sa kontes-kontesan ko noong nakaraang linggo, salamas dahil nagpauto ka na naman sa akin. Hehehe Joke! Madami pa akong pakontest kaya bisibisita lang po. *wink*

(Susunod kong pakontest free spa!)

Paumanhin sa mga sumali, Oct 4 ko na naraffle. Sa totoo, ngayon lang ako nagkaroon ng makukulit na mga contestant, dati kasi ang mga kaibigan ko lang at dating kaopisina ang kinukulit kong sumali. Winner kayo!

trix

Kongrachulaytun kay trix sa kanyang Facebook entry. Nanalo ka ng Starbucks Coffee Gift Certificate. Yieee!

Special Awards

Bakit may Special Awards? Wala lang. Gusto ko.

  • Early Bird – jisi. Kahit wala syang bird, sya naman ang pinakaunang nagpost sa Friendster blog, Multiply at Facebook Note, kahit natatawa daw sya. Isang Starbucks Coffee Gift Certificate din sa iyo. Tara Jaycee, kape tayo! Pero wag sa Starbucks, natatae ako sa mga kape nila.
  • My Favorite Contestant – Luningning. Nagpost sa kanyang Friendster, Multiply at Facebook. Nagsulat sa Guestbook ko sa Multiply, ilang beses nagsulat sa Wall ko sa Facebook, nagtext sa akin para paalalahanan akong OCt 4 na at wala pa akong winner. Winner ka girl! :D

Kontakin nyo ako girls. Kung hindi nyo ako kokontakin, huwag kayong mag-alala, guguluhin ko kayo.

__________________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Bookmark Winner! Hindi si Yaya at Angelina

Advertisements