Bawal Mabasa

Ngayong tag-ulan (nagkaroon ba ng summer?) madaming nababasa sa ulan, baha, talsik ng tubig dahil sa rumarasang sasakyan. PERO hindi lang tuwing tag-ulan kailangan mag-ingat mabasa. Eto ang aking research, yung iba ewan ko kung may basehan o pamanhiin o kathang isip lang. Ikaw na ang bahala.

Bawal mabasa ang kamay pagkatapos magplantsa. Mapapasma daw. Sa totoo lang, hindi ko alam kung totoo yung pasma o hindi. Wala naman akong nahagilap na medical description ng pasma (o meron? Guys help. Alam ko alam nyo ito.). At sa totoo lang din, hindi ba palusot lang ito ng mga batang inuutusang maghugas ng plato at ginagawang alibi na namalantsa sila? Wala lang. Naalala ko lang.

Bawal mabasa ang katawan kapag pagod. Lalabas ang mga ugat. Pero bakit ganun ang mga commercial ng mga sabon na naliligo pagkagaling sa work. Hello? Kung galing ka sa trabaho, panigurado, pagod ka.

Paano kung ganito ang kasabay mong maligo? Tatanggihan mo ba?
Paano kung ganito ang kasabay mong maligo? Tatanggihan mo ba?

Bawal maligo sa hapon/gabi. Sabi sabi ito ng matatanda. Mararamdaman mo lang daw ang epekto ng paliligo mo sa gabi kapag matanda ka na. Base kaya ito sa experience nila?

Bawal mabasa kapag may bulutong tubig. Kailangang munang magpapakulo ng dahon ng duhat/bayabas/petchay/sibuyas/kamatis/bawang/luya. Pagkatapos yun ang ipampapaligo mo. Good luck.

Bawal mabasa kapag pinagpawisan. Basa ka na nga ng pawis, tapos bawal pang mabasa? Malabo.

Sinong hindi mababasa sa ganitong pawisan? =)
Sinong hindi mababasa sa ganitong pawisan? =)

Bawal mabasa ang mga babae kapag mayroong mens dahil papasukin ng masamang hangin ang genitals at maloloka ka daw. Eto tae na talaga. Mas okey na maloka kesa bumantot. Matagal na akong loka loka.

Bawal mabasa ang kepay. Dumadami ang sangkatauhan.

__________________________

Gusto mo bang magkomento? Pasok!

Bookmark Bawal Mabasa

Advertisements