It’s not you, it’s me.

Ang ayaw ko sa blog ko, sa simula pa lang hindi ko na naitago ang sarili kong identity. Naiinggit ako sa mga blogger na sekreto ang kanilang tunay na pangalan. Alam ng mga kaibigan ko ang site na ito. Nakabalandra ang Friendster, Facebook, Multiply, Plurk at Twitter accounts ko. Kaya naman kahit gusto kong mag-emo, hindi ko magawa. Sayang madami sana akong masasabi na hindi nyo alam.

Hindi ako ang tamang tao para pagsabihan ng sekreto, dahil parang sinisilihan ang puwet ko tuwing makakarinig ng sekreto. Kung ayaw mong mabulgar sa buong mundo ang kung anong itinatago mo, simple lang, huwag mong sabihin sa akin. Alam ko, isa ito sa mga kahinaan ko. Kaya nga madalas akong hanapin ng mga kaibigan ko. Eto ang banat nila, kasunod ang banat ko.

Friend: Anong bago?
Salbehe: Si Avery May Bago. (pangalan ito ng friend namin, apelyido nya Bago)
Friend: Alam kong sasabihin mo yan. Hehehe.

Default na yan. Promise.

Kaya naman kapag may problema, hanggat kaya ko sinasarili ko. Malalaman ng mga kaibigan ko, tapos na. Una, kaya naman. Pangalawa, kinakaya naman. Pangatlo (at ang pinakamahalaga), ayaw kong sabihin mo din sa iba ang sekreto ko, bilang paghihiganti sa pagsasabi ko ng mga sekreto mo.

Kung tahimik man ako ng mga nakaraang araw, it’s not you, it’s me.

__________________________________________________

Nandito ang bagong comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Bookmark It's not you It's me

Advertisements