Pangarap kong Jackpot

Dear Santa Clause,

Alam kong hindi ka totoo at niloloko ko lang ang sarili ko. Sige maglokohan tayo. Narito ang mga pinapangarap kong jackpot also known as “Wishlist ngayong Pasko”.

1. Isang truck ng Marty’s Cracklin Vegetarian Chicharon. Yung Plain Salted ang mas trip ko kesa Salt & Vinegar Flavor. Bukod sa guilt free kainin, masarap talaga. Hindi ko kilala si Marty pero kung sakaling magkita kami, pasasalamatan ko sya ng husto dahil sa pagkakaimbento ng junk food na ito.

http://mabuhaygirl.multiply.com/journal/item/980/Oishi_Martys_cracklin_Vegetarian_Chicharon

2. Vacation Package sa Baler o Batanes o Coron. Please naman Santa. Last year ko pa pinapangarap ang vacation packages na ito. Kahit isa lang dyan sa tatlo, solb na ako. Nga pala, pwede bang sa petsa kung saan ako may trip, pwede bang totoong summer? Nakakamiss na kasi ang mga ganitong moments:

Salbehe @ Malapascua Island, Cebu.

3. Credit Card bill. Ang hirap bayaran buwan-buwan. Kaya ikaw Santa, huwag kang magkakamaling kumuha ng credit card. Sa una lang masaya, pero kapag tumagal na at naloko ka na ng mga hinayupak na MasterCard at Visa, patay ka. Pwedeng umabot ng 20K ang utang mo ng hindi mo namamalayan. Maniwala ka.

4. Kama. Na bonggang bongga. Sa ngayon kasi AirBed ang kama ko. Nakahiga ka na ba sa air bed, Santa? Katulad ng credit card, sa una lang masaya. Ang pangarap ko sanang kama ay yung Salem Spring Bed. Yun bang kahit anong talon, tuwad o tambling ay buo pa din. Kumportambleng nakakahiga ang likod ko. Mahilig kasi akong matulog. Isa pa, alam ko dyan sa North Pole laging malamig, pero dito sa Pinas, ngayon pa lang lumalamig. Masarap matulog (redundant na). Lalong sasarap ang tulog ko kung may maayos na kama.You know..

5. Dot com address. Para naman mayabang din ako.

5. World peace.

I love you very much, Santa Clause.

Thanks in advance,

Salbehe

P.S.
Santa, huling hirit na. Sana po manalo ako ng Limited Edition Starbucks USB. (edited Dec. 10, 2009)

__________________________________________________

Nandito ang comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Email to a friend

Press This

Bookmark Pangarap kong Jackpot

Advertisements