The Tale of Two Exes

Magkukwento ako. Pagtiyagaan nyong basahin dahil minsan lang ako magsulat ng ganito.

Ngayon lang ako nagkaroon ng boyfie na may madaming ex. Noon, kapag nagkukwentuhan tungkol sa ex, hindi ako nakakarelate. Ngayon, I had a fair share of dealing with my boyfriend’s ex-girlfriends.

Ex ni Boyfie Number 1

Ligaya ang itawag natin sa kanya. Kahit na walang kaligaligaya sa pangalan o sa kanya. Ligaya is your typical ex-girlfriend from hell. Noong una, insecure ako sa kanya. Mahirap sabihing selos ang nararamdaman ko dahil alam kong wala na silang pag-asang magkabalikan pa. Alam ko kasing minsan naging parte ng buhay si Ligaya ni Boyfie. May intimacy moments din silang pinagsamahan.

http://images-0.redbubble.net/img/art/size:large/view:main/531-9-deena-the-devil-girl.jpg

Pero sana lang alam ni Ligaya ilugar ang sarili nya. Hindi eh. Si Ligaya na ang nang-iwan, sya pa itong kumekerengkeng kahit hindi na pinapansin. Laging may multong nagpaparamdam kay Boyfie, na sige aaminin ko, na parang minumulto din ako. Wala naman akong magawa kundi magparining lang sa kanya.

Shout out ko sa Friendster (kung saan dun sya nagmumulto):

“Malandi ka. Huwag kang magkakamaling gumawa ng mga bagay na hindi ko magugustuhan.”

Madalas din akong magparinig sa Plurk (kung saan naka-link ang Friendster ko):

“Pwede ba? Humanap ka ng sa iyo. Ang sa akin ay sa akin na.”

Manhid si Ligaya. Gumagawa talaga sya ng paraan para makontak si Boyfie. Nagtetext. Nag-y-ym. Nag-iiwan ng message. Malapit na, isa na lang, malalaman na ni Ligaya kung bakit ako pinangalanang salbehe.

Ex ni Boyfie Number 2

Deejay ang itawag natin sa kanya. Kahit na hindi sa letter D nagsisimula ang pangalan nya. Deejay is your typical ex-girlfriend from heaven. Mabait, palakaibigan, maaalalahanin, tagapagbigay ng payo (minsan).

http://www.angel-guide.com/images/angels-picture-angel-coloring-pages-angel-girl-with-halo-lilastar-angel-guide.com.jpg

Nagtetext sila ni Boyfie (dati), nag-iiwan ng message sa Facebook. Pero ang pagkakaiba ni Deejay, nag-effort syang makilala ako hindi katulad ni Ligaya na parang hindi ako nag-e-exist samantalang minumulto ko na din sya.

Ina-add din ako ni Deejay sa Facebook. Kinakamusta. Nice. Ganito siguro ang sinasabi ni Roi na pwede naman talagang maging kaibigan mo ang ex mo. Isa pa, tipikal na kamustahan lang ang usapan ni Deejay at Boyfie hindi katulad ni Ligaya na gustong alamin kung kailan mag-oonline si Boyfie o kung nakauwi na ba si Boyfie ng maayos.

Ang Kwento

Mula ng magparinig ako kay Ligaya, inalis ako ni Deejay sa network nya sa FB. Inalis din nya si Boyfie. Hanggang sa nagmessage na syang nagrerequest burahin ang lahat ng post nya sa wall ni Boyfie. Dahil ayaw daw nya ng gulo. Dahil may nakarating daw sa kanya. Wala naman syang nasabi na tungkol ito sa mga pagpaparinig ko, pero malakas ang kutob kong dahil dun. Tamang hinala kumbaga. Kung mali ang hinala kong ito, edi tama ang duda kong praning lang ako.

Si Ligaya, ayun dedma. Keber nya.

Anong gagawin mo kapag nagparinig ka pero iba ang tinamaan?

Ako, natawa at nag-blog. Bahala na kung may ibang tamaan uli na hindi naman dapat tamaan.

Ikaw?

__________________________________________________

Email to a friend

Press This

Bookmark The Tale of Two Exes

Advertisements