Sago con Yelo

Pupusta ka ba sa laban na kung sa simula pa lang alam mo ng talo ka? Yan ang kwento ni Sago at Yelo.

Si Yelo ay tipikal na Ice Maiden Queen. Maka-kristiyano, may magandang trabaho, mabait na anak. Katulad ng maraming babaeng successful ang career, bokya ang love life. Gusto nya kasi ay ang taong kanyang mamahalin at pagkakatiwala ang kanyang puso ay ang taong makakasama na nya habangbuhay. One time big time kumbaga.

Si Sago ay hindi tipikal na lalake. May malubhang sakit na maaaring ikamatay nya bukas.

Pero ngunit subalit datapwat! Ang badtrip ni Kupido. Alam nyo na ang nangyari, si Sago at Yelo lang naman ang bida dito. Sila ay nagkaroon ng malalim na pagtitinginan. Singlalim ng takot.

Si Yelo, natatakot dahil ayaw nyang masaktan.

Si Sago, natatakot dahil ayaw nyang makasakit.

Parang horror, pero love story. Akala ko sa pelikula lang nangyayari ang ganitong mga eksena. Pero tunay na kwento ito ng isa sa mga kaibigan ko.

Kung ikaw ang tatanungin, kung ikaw si Yelo, ibibigay mo ba ang langit ng mas maaga kay Sago? Yung tipong nasa katawang tao pa lang si Sago, pero feeling nasa langit na sya. :roll: Pero may time limit.

Whoops! Dapat pala sago, hindi Sogo.
Whoops! Dapat pala sago, hindi Sogo.

__________________________________________________

Nandito ang bagong comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Email to a friend

Press This

Bookmark Sago con Yelo

Advertisements