20 Bagay na hindi mo alam

Kapag natapos mo basahin, alam mo na.

1. Ginawa ko ang gasgas na blog na ito para lang may bagong post.

2. Hindi ako nakakatulog kapag hindi nakasara ang cabinet na nasa paanan ko.

3. hInDI kOh mAiNtInDiHaN KuNg BhAkEt MeH mGa tAoNg GaNItO MaGtYpE.

4. Isang album lang ang pinapakinggan ko kapag nasa MRT, araw-araw yun, dalawang beses sa isang araw, limang araw sa isang linggo. Umay.

5. Natatakot akong magpatingin sa doctor dahil baka ideklara nilang may nakakamatay akong sakit.

6. Umiyak ako nang mamatay si Billy Thomas, yung kapakner ni Ally McBeal.

7. The Wallflowers‘ self-titled debut album ang una kong biniling album. Casette tape pa.

8. Suki ako ng pirated movie DVD. May kakilala akong nagbebenta P35/movie. Malinaw. 3 for P100.

9. Nakokornihan ako sa mga lalake/babae na nagpapakalasing in public at pinagsisigawang walanghiya ang kanilang ex.

10. Naaaliw at naiirita ako kay Kris Aquino at sa Pinoy Big Brother Double up.

11. Natatandaan kong itinuro ito noong elementary, pero nalilito ako kung paano gamitin ang “ng”, “nang”, “din” at “rin”.

12. Hindi ko kino-consider ang sarili ko na “blogger”.

13. Hindi ako bumibili ng libro kapag hindi “Sale”.

14. Malilimutin ako sa birthdate, kahit na sa sarili kong birthday.

15. Nagkaka-crush ako sa mga lalakeng hindi crush-able. Matatawa ka kapag nalaman mong nagkaroon ako ng matinding crush kay.. tut. tut..

16. Sana ginawa ko na lang “10 Bagay na hindi mo alam” ang post na ito para hindi ako nahirapang makarating sa ika-20.

17. Naniniwala ako sa psychoanalytic perspective (dream interpretation), pero nahihirapan akong paniwalaan ang parallel universe.

18. Naniniwala din ako sa tinatawag na retail therapy.

19. Impulsive buyer ako.

20. May bago akong camera. Katas ng bonus. :D

Canon Powershot Sx200 (red)

Susubukan kong magpakomento ngayon. Parang pre-Christmas Promo sa mga malls. Lols.

Email to a friend

Press This

Bookmark Bagay na hindi mo alam

Advertisements

25 Replies to “20 Bagay na hindi mo alam”

    1. Weel deserved bonus naman siguro. Napepera kasi sa pinapasukan ko ang vacation leave (yung dating company ko sick leave ang napepera). Biruin mo yun? Ilang araw din na hindi ko kinuha ang bakasyon ko. (10 days!) Babawi ako next year. :P

  1. 1. feeling ko ginawa mo ang post na ‘to para maipakita mo sa amin ang bagong cam mo! sample shot naman dyan! hakhak! good choice ate! canon! aylabet!

    3. patayin! sugurin!

    4. meron din akong palagiang pinakikinggan! as in ebridey! eraserheads! oh yeah oh yeah!

    5. parehas tayo dito ah! hakhak! kaya ayaw ko ng hospital! at kaya hindi ako nagnursing dahil dyan!

    8. apir!!!! nyahahaha! yan ang pinakagusto kong gawin sa lahat! magshopping ng dibidi na pirata!

    11. ako rin di ko na alam! hakhak!

  2. wallflowers? as in si jakob dylan? gusto mo mga yun? inaalikabok na mga cassetes ko sa bahay, mga dalawandaan piraso siguro hahaha. ako rin walang problema sa pirated, pero hindi ko sila pinapayaman, nanghihiramlang ako wahaha. naligaw, nagbasa, naaliw, sumigaw, umalis, babalik.

  3. 1. para sa camera.
    2. hindi ako makatulog pag hindi nakasara ung 2 mata ko sa mukha ko.
    3. hInDI kOh RiN mAiNtInDiHaN. paReHAs TaYoH.
    4. sinubukan ko din yan. kaso wala akong naririnig. sira ata nabili ko. hindi na ako bibili ng album ng bandang Picture na yan.
    5. takot ako sa mga doktor. period.
    6. umiyak ako ng naghiwa ako ng sibuyas kanina. eh hindi ko naman xa kaano ano.
    7. wala pa ako nabibili na album para sa sarili ko. ever.
    8. pakilala mo ako doon.hehe
    9. HINDI AKO KORNI! =P
    10. Parehas tayo. pwera ung aliw part.hahaha
    11. Ako din. (or is it, ako rin?) =P
    12. Hindi rin ako blogger.
    13. Pati ako. Dean Koontz..yohooo
    14. Oh shit birthday ko nga pala kahapon! waaaahhhh
    15. Hindi tayo parehas dito. ano ako bading?hehehe
    16. UU nga. hirap na din ako.
    17. Ok, ano man un. sige na UU na.hahaha
    18. I believe. I believe.
    19. Me binebenta ako Impulsive. benta ko sayo. mura lang.
    20. Me bago din ako cum. Katas ng…
    21. ang hirap magcomment sa mga ganitong enumeration.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s