Masaker

Binuksan ang payslip.

Basic Salary, check.

Rice subsidy, wow may rice subsidy pala kami check check.

Pagibig, check.

Philhealth, check.

SSS, check.

Tardiness: -803.88, ano ito?

Withholding Tax, tae!

Nagbukas agad ako ng Google, sinearch ang salitang “tardiness” kahit alam ko naman ang talagang ibig sabihin nito. Deym. May konsepto pala ng “tardiness” dito (8 months pa lang ako sa kumpanyang ito), bakit walang nagsabi sa akin? Kaya naman pala sa tuwing dadating ako sa opisina ng 8:15 (8 o’clock ang time in) lahat ng kaopisina ko, nagkakape sa pantry o nakatutok na sa monitor. Walang late maliban sa akin. Kaya pala, kaya pala!!!

Little Miss Late
Little Miss Late

Siguro nasa Employee Manual din ito na binigay sa akin noong una akong pumasok, syempre kahit kailan hindi ko din yun nabuklat.

Next, bakit ganun ang tax? halos 20% ng sweldo ko. Nagtanong ako kay Elai na alam kong nagkaroon ng problema sa tax at naging expert na sa tax computation. Bingo! May ginawa silang template na nagco-compute ng tax. Syet lang talaga. Tama ang ang kinakaltas ng kumpanya sa sweldo ko, ang laki nga ng tax.

Condemn the Maguindanao Massacre
Condemn the Maguindanao Massacre

Feeling ko tuloy, bukod sa pagkakamasaker sa Maguindanao, matagal na din tayong minamasaker ng gobyerno. Anong ginagawa nila sa halos 20% na kinakaltas nila sa lahat ng empleyado sa buong Pilipinas? Ano? Bumili ng back hoe para pantabon sa minamasaker nila? Kung ibinigay ko na lang yung kinaltas sa sweldo ko sa isang may sakit sa ospital, sigurado pa akong mas makakatulong yun. O sabi nga ni Elai, kaya nyang magpasweldo ng isang tao sa tax na kinakaltas sa kanya. (Ang laki ng sweldo ni Elai!)

Ang punto ko ay pasimple din tayong minamasaker ng gobyerno.

__________________________________________________

Nandito ang bagong comment page kung saan pwedeng ilagay ang komento.

Advertisements